MAHIGIT 1.5 MILYON NA MGA BATA, TARGET NA BABAKUNAHAN NG DOH-CALABARZON
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
TARGET ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang mahigit 1.5 milyon na mga bata sa rehiyon na mabakunahan sa isasagawang “Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) Phase 2 Campaign mula February 1-28, 2021.
Sa probinsiya ng Batangas, target ng Regional office ang 290,588 na mga bata;, 380,067 sa probibnisya ng Cavite, 306,619 sa Laguna, 236,913 sa Quezon at 310,140 in Rizal o kabuuang 1,524,327 .
“The regional office, our LGU partners and the vaccination teams are ready to do their tasks and reach the target children including those in far-flung communities located in the mountains,” ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo.
“Mas madali natin ngayong mababakunahan ang mga bata dahil karamihan sa kanila ay nasa kani-kanilang mga bahay at bawal silang lumabas dala ng kasalukuyang pandemya. Kaya’t madali nating magagawa ang pagbabakuna laban sa polio at measles.” dagdag pa ni Janairo.
Sinabi pa ni Janairo na magdadagdag ng karagdagang manpower sa bawat munisipalidad upang masiguro na makakatanggap ng bakuna ang lahat ng bata mula 0-59 na buwan.
“Sa mga magulang ng mga batang babakunahan, huwag po kayong mangamba at matakot sa ibibigay naming bakuna sa inyong mga anak dahil ito po ay ligtas at ito lang ang magbibigay ng proteksyon sa inyong mga anak laban sa tigdas at polio,” paliwanag pa ni Janairo
Isasagawa ang one-month phase 2 vaccination campaign kung saan isasabay din ang nationwide launching activity sa January 29, 2021 sa General Trias City, Cavite. (GENE ADSUARA)
-
8K pulis ikakalat sa Metro Manila – NCRPO
TINIYAK ni National Capital Police Office (NCRPO) chief PBGen. Anthony A. Aberin na magiging ligtas ang holiday season kung saan inaasahan ang dagsa ng mga tao sa mga transport terminal, pamilihan at mga simbahan. Ang paniniyak ay kasabay ng pagpapakalat ng nasa 8,000 pulis sa mga strategic na lugar sa Metro Manila. […]
-
PVL magbibigay-daan sa national team
Nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League (PVL) na ipagpaliban muna ang pagtatanghal ng Reinforced Conference upang bigyang-daan ang training camp ng national team para sa Southeast Asian Games. Ito ang inihayag ni PVL president Ricky Palou dahil nais ng liga na makatulong sa paghahanda ng national team sa Vietnam SEA Games na […]
-
Nagpunta sa Bali para sa bachelorette party: VALEEN, ikakasal na ngayong January sa non-showbiz boyfriend
INAMIN ni Laurice Guillen na si Jasmine Curtis-Smith ang madalas na maraming takes sa kanilang serye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’ Kuwento ng award-winning director: “Si Jasmine, maraming takes. Marami akong pinapagalitan, actually it’s more of like keeping her on track because she’s playing a role that’s been through a really extraordinary […]