• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 10-M Ukrainians nakaalis na sa kanilang bansa simula nang lusubin ng Russia ang Ukraine

NASA mahigit 10 milyon na mga Ukrainians na ang iniwan ang kani-kanilang mga tahanan para umalis sa bansa simula nang lusubin ito ng Russia.

 

 

Ayon kay UN Humanitarian Affairs Deputy Emergency Coordinator Joyce Msuya, mahigit sa kalahati ng populasyong ito ay pawang mga kabataan.

 

 

Aabot sa 6.5 milyon sa mga ito ang internally displaced habang nasa 3.9 million naman ang nakatawid na sa mga borders patungo sa karatig na bansa nito.

 

 

Iniulat din ni Msuya na patuloy din ang pagtaas ng humanitarian aid sa lugar araw-araw.

 

 

Sa katunayan ay nasa mahigit 1,230 daw na United Nations personnel ang kasalukuyang nasa Ukraine habang nasa mahigit 100 humanitarian organizations naman mula sa buong bansa ang nagtutulong-tulong para sa humanitarian aid dito.

 

 

Noong Marso 18, ay naipadala ng UN convoy ang nasa 130 tons ng mga medical supplies, tubig, ready-to-eat meals, at iba pa, para sa 35,000 katao.

 

 

Habang noong Lunes naman ay nakarating na rin ang UN convoy sa Kharkiv upang magpaabot din ng pagkain, at iba pang essential relief items na ipinamamahagi naman ng Ukraine Red Cross.

 

 

Samantala, aminado naman si Msuya na kinakailangan nila ng isang detalyado at makatotohanang kasunduan sa humanitarian ceasefires upang maipagpatuloy nila ang pag-aabot ng tulong para sa mga taong naaapektuhan ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Other News
  • Animam, SHU nagreyna

    NAKADALE na naman ng isang kampeonato si Jack Danielle Animam sa kanyang playing career nang pangunahan ang pamamayagpag ng Shin Hsin University sa 2020-21 University Basketball Alliance championship nitong  LInggo sa Taiwan.     Dinispatsa ni Animam at ng SHU ang National Taiwan Normal, 70-51, sa finals sa Taipei Arena kung saan nanalanta ang Philippine […]

  • Lalaki, patay sa suntok sa Maynila

    NASAWI  ang isang lalaki matapos umanong suntukin ng nagngangalit na hindi nakikilalang salarin sa Tondo,Maynila .     Naisugod pa sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktima na si  Alias Ding ,50 anyos, may tattoo sa kanang dibdib at sputnik logo sa kanang hita.     Nangyari ang insidente alas-12 ng madaling araw kamakalawa […]

  • MEET THE “BULLET TRAIN” CHARACTERS IN THEIR SOLO POSTERS

    “They’re all in it together, whether they like it or not.” Check out the new posters for Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train and meet these characters exclusively in cinemas across the Philippines August 03, 2022.   Brad Pitt as Ladybug: He’s just trying to forget what he does for a living.   Zazie Beetz as The Hornet:  Don’t […]