MAHIGIT 100 POLICE TRAINEE, IDIDEPLOY NG MPD
- Published on July 1, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGIT na 100 na police trainee ang idineploy ngayon sa Manila Police District (MPD) bilang bahagi ng kanilang aktwal na pagsasanay.
Ayon sa MPD, umaabot sa 108 na police trainee mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipapakalat ng MPD sa lahat ng 14 na police station nila sa lungsod.
Tatagal ng anim na buwan ang field training ng mga bagong recruit.
Sasailalim sa evaluation ang mga police trainee pagkatapos ng kanilang field training.
Bagama’t nasa temporary status ang mga police trainee, tatanggap na rin sila ng buwanang sahod.
Bago i-deploy, isinalang muna sila sa briefing sa pangunguna ni Police Col. Audie Madrideo, Chief ng MPD District Directorial Staff
Pinaalalahanan naman ng opisyal ang mga bagong recruit na pulis na kinakailangang sumunod sa duties and responsibilities ng PNP dahil maaari rin silang managot kung sila ay may pagkakamali.
Bukod sa pagtulong sa pagbabantay sa seguridad, tutulong din ang mga police trainees sa pagpapatupad sa guidelines ng health protocols. (GENE ADSUARA)
-
Sinovac, unang gagamitin ng Pinas sa vaccination program nito
KINUMPIRMA ng Malakanyang na ang bakunang gawa ng China na Sinovac ang unang bakuna na gagamitin ng Pilipinas sa vaccination program nito. “Yes, I can confirm. It looks like Sinovac will be the first vaccine that we will used in our vaccination program,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Ito’y sa kabila ng […]
-
Philhealth, planong subukan ang bagong payment scheme para sa kanilang mga primary care providers
INANUNSYO ng Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na magsasagawa sila ng pilot testing sa susunod na buwan para sa kanilang ipatutupad na bagong payment scheme sa kanilang mga accredited primary care providers. Sa ilalim ng programang ito, makakatanggap na ng pondo ang mga primary care providers mula sa gobyerno kahit hindi pa naa-avail […]
-
NAIA nilagyan ng TNVS hub
NILAGYAN ang metered taxis at ride-hailing services ng isang dedicated hub sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Naglalayon ang transport network vehicle service (TNVS) hub na maging maganda at maayos ang daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagbabawas ng curbside congestion sa drop-offs at pick-ups sa NAIA Terminal 3. […]