Mahigit 3.7K kaso ng leptospirosis, naitala na sa PH – DOH
- Published on September 3, 2024
- by @peoplesbalita
SA GITNA ng matinding mga pag-ulan at inaasahang mga pagbaha, nag-isyu ng public health advisory warning ang Department of Health laban sa leptospirosis.
Sa isang statement, ipinayo ni Health Secretary Ted Herbosa na iwasan hangga’t maaari ang paglusong sa tubig baha.
Kung di naman maiwasan na ma-expose sa tubig baha, pinapayuhan ang mga ito na maghugas ng mabuti sa pamamagitan ng malinis na tubig at sabon.
Dapat din aniyang kumonsulta agad sa doktor o health center sa loob ng 1 hanggang 2 araw kahit walang sugat o nararamdamang sintomas.
Base sa pinakabagong datos mula sa DOH, lumobo ang mga kaso ng leptos kasunod ng mga pagbaha dala ng nakalipas na kalamidad.
Sa datos noong Agosto 17, nakapagtala na ang ahensiya ng kabuuang 3,785 na kaso ng leptos sa buong bansa.
Samantala, ipinaalala din ni Sec. Herbosa ang kahalagahan ng pag-inom ng antiobiotic prophylaxis para mapigilan madapuan ng leptos gayundin ang pagpapakonsulta at prescriptions na libre aniya sa mga government health center.
Ipinaalala din ng kalihim na nananatiling nasa price freeze ang gamot kontra leptos na Doxycycline sa mga lugar na apektado ng nagdaang bagyo hanggang sa Setyembre 23 ng kasalukuyang taon.
-
‘Contempt of court’ sa nagbabanta sa mga huwes – SC
NAGBABALA ang Supreme Court na kakasuhan nila ng ‘contempt of court’ ang mga nagbabanta ng karahasan laban sa mga huwes sa bansa. Sa pahayag na inilabas ng SC Public Information Office, tinalakay ng court en banc ang mga posibleng aksyon sa mga pahayag na inilabas ni dating National Task Force to End Local […]
-
Ads August 25, 2021
-
J.P. Morgan pinabulaanan ang maling ulat ukol sa pagbagsak ng Pinas sa listahan ng ASEAN investment
NILINAW ng American financial services giant J.P. Morgan na mali ang iniulat ng ilang media ukol sa pagbagsak ng Pilipinas sa investment list ng Southeast Asian matapos ang landslide victory ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa katatapos na eleksyon nitong Mayo 9. Sa isang pahayag, nilinaw ni Patricia Anne Javier-Gutierrez, Executive Director, […]