Mahigit 3.7M ang nasayang na vaccine doses ang naiulat- Malakanyang
- Published on April 7, 2022
- by @peoplesbalita
MAY KABUUANG 3,760,983 doses ang naitalang Covid-19 vaccine wastage o nasayang na bakuna sa bansa.
Ipinresenta ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ang data na nagmula sa Department of Health sa isinagawa nitong public briefing, araw ng Miyerkules.
Sinasabing 1.54% lamang ito sa kabuuang COVID-19 vaccine doses sa bansa.
“Nasa 1.54% ng COVID-19 vaccines na binili ng national government ang masasabing wastage. Malayo ito sa 10% wastage rate ng World Health Organization,” ayon kay Andanar.
Kabilang sa mga dahilan para sa wastage o naaksayang doses ng bakuna ay “under-dosed vials, exceeded shelf life, presence of particles, destruction by disasters like fire and typhoons.”
Sa ulat, aabot sa 27 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang nakatakdang mag-expire ang bisa pagsapit ng buwan ng Hulyo ngayong taon, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.
Nanghihinayang si Concepcion na hindi magamit ang mga naturang bakuna kung kaya’t hinimok nito ang mga wala pang booster shot na magpaturok na.
Samantala, hinikayat naman ni Andanar ang publiko na magpabakuna na at sundin ang health protocols sa gitna ng banta ng bagong coronavirus variant Omicron XE.
“Patuloy ang ginagawang pag-aaral sa XE bilang isang variant. Ang mahalaga ay sumunod sa minimum health standards, mag-mask, hugas, iwas, at magpabakuna,” ayon kay Andanar. (Daris Jose)
-
SSS, pinaalalahanan ang mga pensioners ng kanilang March 31 deadline
PINAALALAHANAN ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga pensiyonado ng deadline para sa pagsunod sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) na nakatakda sa Marso 31, 2022. “All pensioners who have not yet complied with the ACOP for the calendar year 2021 are required to do so on or before March 31, […]
-
Marjorie, nagsalita na rin bilang pagsuporta kay Julia… CLAUDINE, nakiusap kay DENNIS na tumigil na at maawa sa mga bata
NAGSALITA na rin si Marjorie Barretto bilang pagbibigay siyempre ng lakas ng loob pa sa anak na si Julia Barretto. Pagkatapos nga kasi nang naging interview ni Julia sa YouTube vlog ni Karen Davila, nagsunod-sunod na ang pagpo-post ng ama nito na si Dennis Padilla sa kanyang Instagram account. Marami itong sinabi […]
-
Pinas, in- update ang ‘Red, Green, Yellow’ list, Covid-19 protocols
BINAGO at in-update ng Pilipinas ang roster ng “red, yellow, at green” countries/ jurisdictions at maging ang testing at quarantine protocols para sa pagdating ng mga pasahero. Ang red, yellow at green list ay in-update sa nangyaring pulong ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). […]