Mahigit 350K residente sa Amerika, nawalan ng suplay sa kuryente dahil sa winter storm
- Published on February 8, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY na hinahagupit ng “massive winter storm” ang Amerika na na nag-iiwan ng higit sa 350,000 katao ang apektado.
Kasalukuyang naranasan ngayon sa Arkansas at Tennessee; Illinois at Ohio; Kentucky at West Virginia ang makapal na snow, freezing rain at nagye-yelo na paligid dahilan upang nawalan sila ng suplay ng kuryente.
Mahigit tatlong talampakan ng snow ang itinapon sa mga bahagi ng New Mexico, kung saan dalawang tao ang namatay sa aksidente dahil sa sama ng panahon.
Isang buhawi ang bumagsak malapit sa Tuscaloosa, Alabama, na ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng walong iba pa.
Sa Texas, mahigit 70,000 customer ang nawalan ng kuryente.
-
86% ng mga COVID-19 vaccines, naipamahagi na sa mga vaccination sites – DOH
Kinumpirma ng Department of Health na 3,025,600 mula sa 3,525,600 available doses ng coronavirus disease vaccines ang naipamahagi na sa iba’t ibang vaccination sites. Batay sa datos ng DOH at National Task Force Against COVID-19, may kabuuang 1,809,801 doses na ang naipamigay sa publiko. “Eighty-eight percent of the 1,780,400 allocated first […]
-
PBBM, oks sa paglikha ng single operating system para sa lahat ng gov’t transactions
APRUBADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglikha ng single operating system para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno upang matiyak ang mabilis na pagnenegosyo sa bansa. Sa isinagawang sectoral meeting on improving bureaucratic efficiency, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na ikonsidera ng iba’t ibang ahensiya na nagta-trabaho sa code o […]
-
Bilang isa sa mga bagong host ng ‘Eat Bulaga’: AI-AI, nagpakita ng suporta kay BETONG kaya sobrang na-touch
NAGPAKITA ng suporta si Ai-Ai Delas Alas kay Betong Sumaya, na isa sa mga bagong host ng “Eat Bulaga”. Isa raw kasi ang Kapuso comedian-TV host na mabait at may respeto sa mga katrabahong mas senior sa kanya. Sa Instragram, nag-post ng mensahe si Ai-Ai tungkol sa kabutihan ng […]