• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHIGIT 430 NA OPISYAL NG BI SA NAIA, BINALASA

MAHIGIT 430 na mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) ay binalasa  at binigyan ng bagong terminal assignment  bilang bahagi ng ahensya na maiwasan ang korapsiyon  ng kanilang tauhan.

 

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa kabuuang 356 na kanilang frontline immigration offices na kasalukuyang naka-assign sa NAIA ay apektado sa ginawang pagbalasa na ipatutupad sa May 12.

 

 

 

Nabatid pa na bukod sa mga BI Officers na nababantay sa  Immigration booth, 79 na Immigration officers na nagmamando sa terminal ay binago rin bilang bahagi ng balasa.

 

 

 

“The objective of this rotation scheme is to avoid fraternization in the workplace, which studies have pinpointed as a possible source of corruption in government,” ayon kay Morente

 

 

 

Sinabi ni Atty. Carlos Capulong, BI Port Operations Division (POD) Chief na layon ng nasabing balasa ay upang masiguro na supisyente ang kanilang tauhan  upang magsilbi  sa kanilang mga biyahero .

 

 

 

“We also want to create a positive work environment by seeing to it that the workload of our immigration officers and their duty supervisors are evenly distributed,” ayon kay  Capulong.

 

 

 

Sinabi pa ni Capulong na aprubado ni Morente ang rekomendasyon niyang balasahan ng terminal assignment sa BI-NAIA personnel kada 3 hanggang 4 na buwan.

 

 

 

“With more than half of our personnel already inoculated with the first dose, we have more confidence in performing our daily duties,” ayon kay Capulong. (GENE ADSUARA)

Other News
  • MAG-INA NA DADALO SA BIRTHDAY PINAGBABARIL, TODAS

    DEDBOL ang isang 62-anyos na ina at kanyang 39-anyos na anak na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Malabon city, Miyerkules ng gabi.   Dead-on-the-spot si Luz Garcia, 62 at kanyang anak na si Ferdinand, kapwa residente ng 25 Hernandez St. Brgy. Catmon sanhi ng mga tinamong tama […]

  • PBBM, isinapubliko ang plano sa Pasko

    SINABI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang plano nito sa darating na Pasko.     Sa katunayan, magdiriwang ang First Family ng Noche Buena sa Malakanyang at kagyat na pupunta sa Ilocos Norte at Baguio City, kinabukasan, mismong araw ng Pasko.     “Well, the only usual na ano namin — Christmas eve sa […]

  • Gilas Pilipinas nasa training bubbles na para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

    NASA training bubbles na ang Gilas Pilipinas ilang araw bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula ngayong linggo.     Pinangunahan ni coach Chot Reyes at ang 13 manlalaro nito para sa torneo na magsisimula sa Pebrero 24 hanggang 28.     Kabilang sa bubbles sina B. League players Thirdy Ravena […]