• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 46-K katao dumalo sa kapiyestahan ng Black Nazarene

AABOT sa 46,000 ang dumalo sa misa ng kapiyestahan ng Black Nazarene sa Quirino GrandStand dakong alas-12 ng hating gabi, Jan 9.

 

 

Ang nasabing bilang ay base sa pagtaya ng Manila Police District (MPD) kung saan mahigpit pa rin nilang ipinapatupad ang pagbibigay ng seguridad sa lugar.

 

 

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang nasabing misa kasama ang ilang pari ng Quiapo Church.

 

 

Sa kanyang homily sinabi ni Advincula na dapat ipagpatuloy ang buhay na ang nasa puso ay si Kristo.

 

 

Mahalaga ang pagkakaisa para mapagtagumpayan ang anumang pagsubok.

 

 

Samantala ayon sa PNP ay naging mapayapa naman ang kauna-unahang ‘Walk of Faith’ ng Itim na Nazareno.

 

 

Mapayapa sa kabuuan ang kauna-unahang “Walk of Faith” sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno na nagsimula kaninang ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Manila Police District (MPD) PBGen. Andre Dizon batay sa kanilang naging initial assessment simula kaninang madaling araw hanggang ngayong hapon, mapayapa at walang naiulat na mga untoward incident.

 

 

Nasa heightened alert status ngayon ang PNP para matiyak na maayos at mapayapa ang mga aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Sa kabilang dako, umaabot na sa halos 150,000 deboto ang nagtungo sa Quiapo Church at Quirino Grandstand.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng Quiapo Command Post sa nasabing bilang nasa 110,927 ang kabuuang deboto na nagtungo sa simbahan ng Quiapo habang nasa 46,000 naman sa Quirino Grandstand. (Daris Jose)

Other News
  • 19th Congress pormal na magbubukas ngayong Hulyo 25

    PORMAL na magbubukas ang 19th Congress sa Lunes, Hulyo 25, 2022 kung saan ang Senado ay pinangungunahan ni acting Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri.     Alas-10 ng umaga inaasahang magsisimula ang First Regular Session at magkakaroon ng halalan ng mga opisyal sa Senate Plenary Hall.     Kabilang sa mga ihahalal ang […]

  • DOH: Ligtas ang ginagamit na flu vaccines sa Pilipinas

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na ligtas ang flu vaccines na ginagamit ngayon sa Pilipinas kasunod ng mga naitalang death cases nito sa South Korea.   Batay sa report ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, 59 na ang namatay sa South Korea as of October 26 matapos maturukan ng flu […]

  • PCSO Strengthens Anti-Corruption Fight

    The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) calls and remind the public to be a part of the fight against irregularities, anomalies and corruption in the government. One of the preventive measures that the Agency has called out is to prompt the public to go through the right processes and to transact only in the identified […]