Mahigit 48K outbound passengers, naitala ng Philippine Coast Guard bago ang mismong araw ng Pasko
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
MULING nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang pasaherong bumabyahe sa bansa isang araw bagong ang Pasko.
Sa datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 48,636 ang bilang ng mga outbound passengers habang nasa 47,000 naman na mga inbound passengers ang kanilang naitala mula sa 331 vessels at 535 motor bancas sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa noong Sabado, Disyembre 24, 2022.
Samantala, kung maaalala, una rito ay inilagay na ng PCG ang lahat ng districts offices, stations, at sub-stations nito sa “heightened alert” bilang bahagi ng paghahanda sa magiging pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season mula Disyembre 15 hanggang Enero 7, 2023.
Kaugnay nito ay nagpakalat na rin ang kagawaran ng kabuuang 2,504 PCG frontline personnel para magbantay sa lahat ng mga pantalan sa Pilipinas.
-
PDU30 pinasasagot ang DOH sa P67 bilyong pandemic funds
Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na sagutin ang obserbasyon ng Commission on Audit (COA) na may “deficiencies” sa P67 bilyong pandemic funds na hindi umano nagamit ng maayos ng DOH. “Well, ang instruction po ng Presidente ay saguting mabuti ang mga observation ng COA. Iba kasi itong nature ng […]
-
Ads September 21, 2022
-
Tricycle drivers sa Malabon at Navotas, balik-operasyon
Balik-operasyon na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Malabon at Navotas matapos pagbawalan noon dahil sa COVID-19 pandemic. Ito’y matapos inanunsyo ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel na pinirmahan na ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga […]