• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tricycle drivers sa Malabon at Navotas, balik-operasyon

Balik-operasyon na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Malabon at Navotas matapos pagbawalan noon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ito’y matapos inanunsyo ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel na pinirmahan na ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga tricycle drivers.

 

 

“Para sa ating mga commuters at tricycle drivers mula sa lungsod ng Malabon at Navotas, good news po dahil pirmado na ang MOA sa pagitan ng dalawang lungsod kung saan pinahihintulutan na ang balik-operasyon at pamamasada ng mga tricycle drivers,” ani Congresswoman Lacson-Noel.

 

 

Ayon sa kongresista, sadyang naapektuhan ang napakaraming tricycle drivers at commuters na rin mula sa dalawang magkapitbahay na lungsod nang ipagbawal ang pamamasada ng mga ito sa gitna ng Covid-19 pandemic.

 

 

Bukod sa mas mapapadali ang pagku-commute ng mga manggagawa mula sa Malabon at Navotas, magbabalik na rin ang kabuhayan ng ating mga tricyle drivers, ayon pa kay Congw. Jaye na hindi tumigil katuwang ang alkalde ng lungsod at ang kanyang lifetime-mate na m’yembro rin ng Kongreso, si An-Waray Party-list Rep. Bem Noel, sa pagbibigay ng ayuda at trabaho sa mga maralitang taga-lungsod.

 

 

“Thank you sa ama ng ating lungsod Lenlen Oreta at ama ng Navotas Toby Tiangco! Patunay ito na kasunod ng ating pagkakaisa ay kaginhawaan para sa ating mga nasasakupan!” sabi  ni Congw. Jaye.

 

 

Sa ilalim ng MOA, mahalagang may permit at sticker ng magkabilang lungsod ang mga pampasadang tricycle units upang maayos silang maka-byahe. (Richard Mesa)

Other News
  • Patay na si Efren ‘Bata’ Reyes, ‘fake news’

    Nag-react ang pamilya ng Pinoy billiard champion na si Efren “Bata” Reyes sa mga lumabas sa social media na pumanaw na ito kamakailan.   Ayon sa anak ni Bata na si Chelo Reyes, “fake news” umano ang naturang impormasyon dahil maayos ang kalagayan ng kanyang ama.   Bilang patunay, nag-post pa ito ng video, kung […]

  • Malakanyang, nagbigay ng paglilinaw sa anti-terrorism bill

    Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang anti-terrorism bill na pinapayagan ang mga awtoridad na ikulong ang mga suspek kahit walang pagsasakdal ng dalawang linggo ay hindi paglabag sa Saligang Batas.   Ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Revised Penal Code ang 36-hour pre-trial detention sa terror suspects para maiwasan na makatakas […]

  • Pinatunayan lang na girl na girl at may ‘matres’ Pagbubuntis ni ANGELICA, maraming natuwa at isa na si JUDY ANN

    NAPAKARAMI talagang naging masaya sa pagbubuntis ng actress na si Angelica Panganiban.       Na para bang kahit biruan lang, na-prove na may “matres” nga siyang talaga at hindi siya “bakla.”     Mukhang isa ang kaibigan at “ate” talaga ang turing ni Angelica na si Judy Ann Santos sa nakaalam agad na buntis siya. […]