Mahigit 820 patuloy pa ring nananatili sa mga evacuation center
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
NANANATILI pa ring tumutuloy sa iba’t ibang evacu- ation centers sa bansa ang nasa 207, 518 pamilya o katumbas ng 820, 030 indibidwal mula sa Regions 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.
Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec Rolando Bautista na pinakamarami rito ay mula sa Region 5 kung saan nasa 27,540 na pamilya o 109,961 katao ang pansamantalang kinakanlong sa 1,024 na mga evacuation centers.
Sinasabing, sinundan naman ito ng Calabarzon na mayroong 20,915 pamilya o katumbas ng 77, 428 indibidwal ang nananatili sa 832 na mga evacuation centers.
Tinatayang, nasa 12,904 pamilya o 46, 403 indibidwal ang nakituloy sa kanilang mga kamag anak o kaibigan mula sa Regions 2, 3, 5, Calabarzon at CAR.
Kaugnay nito, nakapagbigay na ang DSWD ng P8.3M tulong sa mga apektadong residente na kinabibilangan ng food packs, non food items at hygiene kits.
Nagsasagawa rin ang ahensya ng psychosocial intervention katuwang ang DOH at tiniyak din nito na mayruong mga women & children’s desk upang maprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan kasama na ang mga kabataan.
Samantala, mahigpit ding ipinatutupad ang health safety protocols sa ibat ibang evacuation centers nang sa ganon ay hindi kumalat ang Covid-19 infection.
-
Ads September 17, 2020
-
‘Biggest POGO hub’ pinadlock ng DILG, PAOCC
TULUYAN nang kinandado ng mga awtoridad, Miyerkoles ang pinakamalaking POGO hub sa bansa na Island Cove kahapon ng umaga sa Kawit, Cavite. Personal na ininspeksyon nina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief Rommel Francisco Marbil, PAGCOR Chairman Alejandro Tengco at PAOCC Exec. Director Gilbert Cruz ang ilang mga kwarto sa […]
-
Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees, promosyon sa ilalim ng administrasyong Marcos
PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno. Sa katunayan, inanunsyo ng Malakanyang ang bagong appointees sa pamahalaan at promosyon sa military. Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), inanunsyo nito ang sumusunod na appointees at promosyon sa Department of Agriculture (DA) at Department […]