• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit isang bilyong halaga ng subsidiya, naipamahagi na ng LTFRB sa mga tsuper at operators

UMABOT na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayuda para sa mga tsuper at operators sa ilalim ng fuel subsidy program.

 

 

Batay sa datos ng LTFRB, sumampa na sa P1,089,176,500 ang kabuuang halaga ng fuel subsidy na naibigay sa mga tsuper at operators sa buong bansa, simula inumpisahan ito ng pamahalaan.

 

 

Ito ay napakinabangan ng mga tsuper at operator ng kabuuang 166,597 units ng mga pampublikong sasakyan.

 

 

Ang Fuel Subsidy Program(FSP) ay isang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan, sa layuning maibsan ang epekto ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Ayon sa LTFRB, magpapatuloy pa rin ito, sa pagnanais na maibsan ang pasanin ng mga tsuper sa buong bansa.

 

 

Nagpapatuloy din umano ang koordinasyon ng naturang ahensiya sa state-owned Land bank of the Philippines na siyang nagdi-distibute ng mga subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo. (Daris Jose)

Other News
  • MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS

    NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, […]

  • Sa previous episode ng ‘He’s Into Her’, nakadidismaya ang pambu-bully ng friends ni DONNY kay BELLE

    NADISMAYA kami sa episode ng He’s Into Her last Sunday.     Hindi namin nagustuhan ang takbo ng kwento na binu-bully ng mga friends ni Donny Pangilinan si Belle Mariano.     Bullying is not right lalo na’t ang babae ang target ng bullying. At kahit na ano pa ang gender ng biktima ng bullying, […]

  • 145-M ‘unregistered’ sim cards, idedeactivate pagkatapos ng Pasko

    I-DEDEACTIVATE dalawang linggo mula ngayon ang lahat ng mga bagong SIM card pagkatapos magkabisa ang bagong batas sa pagpaparehistro ng SIM card o ang Republic Act 11934.     Kung ang indibidwal ay nakabili ng bagong SIM card, dapat irehistro ito sa tunay na pangalan at magpakita ng ID na ibinigay mismo ng gobyerno o […]