• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit P7-B na halaga pinare-refund ng ERC sa Meralco

INATASAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na i-refund ang bilyon-bilyong “over recoveries” sa loob sa loob ng 12 buwan o isang taon, simula ngayong Mayo.

 

 

Ayon sa ERC, dapat na ibigay ng Meralco ang nasa mahigit P7.75 billion na refund sa mga residential consumer nito.

 

 

Papalo kasi sa 46.69 centavos ang halaga ng kada kilowatt hour (kWh) ng kuryente na may katumbas n P93 refund sa bawat customer na kumukonsumo ng 200 kWh na kuryente.

 

 

Sinabi ni ERC Commissioner at spokesperson Rexie Digal na ang naturang kautusan ay bunsod ng re-computation na isinagawa ng ERC sa mga regulatory asset ng Meralco base mula 2012 hanggang 2015 kung kailan nagkaroon umano ng over-recoveries ang nasabing kumpanya.

 

 

Samantala, kinumpirma naman ito ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga at ipinaliwanag na makikita sa bukod na line item ng mga power bills simula buwan ngayong buwan ng Mayo.

Other News
  • Inamyendahang substitute bill sa kaunlaran at pagsusulong ng mga malikhaing industriya sa Pilipinas aprubado

    Inaprubahan ng House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts sa Kamara, na pinamunuan ang substitute bill na naglalayong isulong at paunlarin ang mga malikhaing industriya sa Pilipinas.     Ang substitute bill ay para sa House Bill 4692, na iniakda ni Tarlac Rep. Victor Yap, HB 6476 ni Tarlac Rep. Carlos Cojuangco, at […]

  • LTO sa Metro Manila, Laguna, Bataan balik operasyon na

    Nagbabalik-operas­yon na simula Lunes, Agosto 23, ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR), Laguna at Bataan.     Ito, ayon sa LTO, ay kasunod na rin ng pagbababa na ng quarantine classification ng mga nasabing lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa dating ECQ.     Sinabi […]

  • Navotas mega projects, binisita ng potential investors

    NAKIPAGPULONG sina Mayor Toby Tiangco, Cong. John Rey Tiangco at mga kinatawan ng San Miguel Corporation sa mga potential investors.     Binisita ng grupo ang mga site ng 343-hectare Tanza Airport Support Services at 73.3-hectare Navotas Coastal Development.     Iprinisinta din Mayor Tiangco mga disenyo ng Palafox Associates para sa mga naturang mega […]