Inamyendahang substitute bill sa kaunlaran at pagsusulong ng mga malikhaing industriya sa Pilipinas aprubado
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng House Special Committee on Creative Industry and Performing Arts sa Kamara, na pinamunuan ang substitute bill na naglalayong isulong at paunlarin ang mga malikhaing industriya sa Pilipinas.
Ang substitute bill ay para sa House Bill 4692, na iniakda ni Tarlac Rep. Victor Yap, HB 6476 ni Tarlac Rep. Carlos Cojuangco, at HB 8101 ni Pangasinan Rep. Christopher De Venecia.
Sa kanyang pambungad na pananalita, sinabi ni De Venecia na ang panukala ay maituturing na alagang panukala ng espesyal na komite, dahil magsisilbi itong balangkas para sa pagpapaunlad ng mga malikhaing industriya sa mga susunod na taon at dekada, kapag ito ay naisabatas na.
Isinasaad sa panukala na ang creative industries ay tumutukoy sa mga industriya na kinasasangkutan ng mga tao, natural o hurado, na gumagawa ng kultural, masining, at mga makabagong kalakal, produkto, at mga serbisyo, na kung saan ang mga kalakal, produkto at serbisyo ay nagmumula sa mga indibiduwal na likha, kaalaman at talento, at may potensyal para sa kayamanan, gayundin sa mga henerasyon at pagpapaunlad ng intellectual property.
Kabilang rito ang mga industriyang direkta o hindi direktang sangkot sa paglikha, produksyon, at pagmamanupaktura, pagganap, pagsasahimpapawid, komunikasyon at pagtatanghal, o distribusyon at pagbebenta ng mga likha at iba pang mga paksa, batay sa karapatan ng intellectual property. Ang malikhaing industriya ay kinabibilangan ng mga sumusunod na dominyo: 1) audio at audio visual media; 2) digital interactive media; 3) malikhaing serbisyo; 4) disensyo; 5) libro, paglalathala at pagpapalimbag; 6) sining pagtatanghal; 7) visual arts; 8) tradisyunal na pagpapahayag ng kultura; 9) cultural sites; at 10) iba pang dominyo at industriya na maaaring tukuyin ng Philippine Creative Industry Council.
Sa ilalim ng panukala ay bubuuin ang 17-miyembro ng Philippine Creative Industry Council, na pangangasiwaan ng Department of Trade and Industry bilang attached agency.
Ang Council ay pamumunuan ng Kalihim ng DTI, at siyam na regular na miyembro nito mula sa pribadong sektor at walo pang miyembro bilang mga ex-officio.
Ilan sa mga kapangyarihan at tungkulin ng Council ay: 1) tukuyin ang mga layuning pang-ekonomiya at pangunahing performance indicators sa malikhaing industriya, kabilang na ang paglikha ng halaga, kontribusyon sa gross domestic product, paglikha ng mga trabaho, mga target sa pagluluwas, at creative intellectual property targets na binabanggit sa Philippine Creative Industries Development Plan.
Mag-iisyu rin ang Council ng mga alituntunin para sa akreditasyon ng mga organisasyong sumusuporta sa negosyo at mga malikhaing asosasyon, na magbibigay ng karapatan sa mga programa, na gagabay sa mga nagsusulong ng malikhaing industriya, sa pagbuo ng mga naturang samahan.
Sa kanilang pagtupad ng kanilang kapangyarihan at tungkulin, ang Council ay makikipag-ugnayan sa lahat ng oras, hinggil sa kanilang mga plano at programa, sa mga ahensya ng pamahalaang nasyunal na may umiiral na mandato sa sining at kultura.
Itatatag din ng panukala ang Philippine Creative Industries Development Plan, na tumutukoy sa “komprehensibong layunin, target, istratehiya at aktibidad na nakatuon sa paglago at kaunlaran ng malikhaing industriya sa bansa. (ARA ROMERO)
-
Gobyerno, iniklian ang quarantine, isolation period para sa aviation personnel
INIKLIAN na ng gobyerno ang isolation at quarantine period para sa aviation personnel na nahawaan ng COVID-19 at exposed sa COVID-19 case. Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ang nakasaad sa ilalim ng Inter-Agency Task Force Resolution 157 na nagsasabing ang aviation personnel na may mild case ng […]
-
Mas maraming ayuda, suspended oil tax -PDu30
SINABI ng Department of Finance (DOF) na ang ginawang pagbibigay ng ilang beses na cash aid sa gitna ng napakatagal na pandemya habang inalis ang oil taxes nang tumalon naman ang global prices sa pinakamataas na record nito ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit pumalo sa P15.4 trillion ang public debt ng Pilipinas […]
-
Hidilyn Diaz unti-unting nagpapakondisyon
Mas pinili ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na ibalik ang kanyang focus para humugot ng bagong lakas sa paglahok sa mga susunod na international competitions. Unti-unti nang nagpapakondisyon ang national lady weightlifter sa isang training camp sa Malacca, Malaysia kasama ang kanyang fiance at coach na si Julius Naranjo. […]