Mahigit P8-B na proyekto ng Manila Water, inaasahang matatapos sa Hunyo
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng East Zone concessionaire na Manila Water na ang pagtatayo ng P8.2-billion nitong Calawis Water Supply System project sa Antipolo City, Rizal ay nakatakdang matapos sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Sinabi ng Manila Water na ang tubig para sa bagong pasilidad ay nagmumula sa Tayabasan River, na matatagpuan sa Brgy. Calawis.
Ang nasabing lugar ay bahagi ng Upper Marikina Watershed.
Dagdag dito, ang Calawis Water Supply System project ay inaasahang magbibigay ng karagdagang 80 million liters per day (MLD) ng treated water sa 919,784 na populasyon sa Antipolo City at mga kalapit na bayan.
Sa kasalukuyan, habang naghahanda para simulan ang buong operasyon, ang pasilidad ay nakakapagsupply na ng tubig sa ilang lugar ng lungsod kabilang ang Antipolo Government Center.
Ang proyekto ng Calawis Water Supply System ay binubuo ng 80 million liters per day water treatment plants (WTP), pumping stations, reservoir, at 21 kilometers ng primary transmission line.
-
Simbahang Katolika, bukas sa ibang paniniwala at pananampalataya
TINIYAK ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na bukas ang simbahan sa lahat maging sa ibang paniniwala at pananampalataya. Ito ang pahayag ng cardinal sa pagdiriwang ng Week of Prayer for Christian Unity ngayong taon na nakatuon sa temang ‘Do Good. Seek Justice.’ Sinabi ni Cardinal Advincula na patuloy […]
-
PDu30, dadalo sa inagurasyon ng kanyang anak na si Sara sa Hunyo 19- Frasco
DADALO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inagurasyon ng kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City. “President Rodrigo Roa Duterte has confirmed his attendance,” ayon kay Liloan Mayor Christina Frasco, tagapagsalita ni Sara Duterte. Iyon nga lamang, wala pang impormasyon kung dadalo rin sa nasabing inagurasyon ang […]
-
El Niño, maaaring mas tumaas sa April 2024, 63 lalawigan puwedeng maapektuhan – DOST
MAAARING dumating sa rurok o pinakamataas ang El Niño phenomenon sa April ng susunod na taon habang 63 lalawigan ang posibleng makaranas ng matinding tag-tuyot. “The drought will come one month earlier than the previous forecast of May, with two less provinces to be affected,” sinabi ng Department of Science and Technology (DOST). […]