Simbahang Katolika, bukas sa ibang paniniwala at pananampalataya
- Published on January 21, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na bukas ang simbahan sa lahat maging sa ibang paniniwala at pananampalataya.
Ito ang pahayag ng cardinal sa pagdiriwang ng Week of Prayer for Christian Unity ngayong taon na nakatuon sa temang ‘Do Good. Seek Justice.’
Sinabi ni Cardinal Advincula na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahang katolika sa bawat religious group sa layuning pagbuklurin ang pamayanan bilang sambayanan ng Diyos.
“The Church is inclusive. The Church is ecumenical. The Church is in dialogue with other faith traditions. The Church is in dialogue with the whole world. Our goal is Christian unity so that the world may believe,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.
Inihayag ng cardinal na hindi kinalulugdan ng Panginoon ang anumang gawaing simbahan kung patuloy ang pagtatangkilik sa karahasan at kawalang katarungan sa lipunan lalo na sa mga dukha at naisasantabing sektor.
Iginiit ni Cardinal Advincula na dapat isabuhay ng bawat isa ang mensahe ni Propeta Isaiah na makakamit ang katarungan sa pamamagitan ng pagsasantabi sa karahasan, kayamanan at kapangyarihan sa halip ay pangalagaan ang mahihinang sektor ng pamayanan.
“Ours is an engagement and dialogue that is not limited to beautiful words alone. Ours is an engagement that dares to immerse itself in the stark reality of our world, a world that is wounded by injustice, sin and violence. We proclaim Christ crucified. We likewise proclaim the victory of the Risen Christ,” ani Cardinal Advincula.
Binigyang diin ng arsobispo na sa pagsilang ni Hesus sanlibutan ay nabigyang pag-asa ang mga naisasantabi gayundin ang mga dukha sapagkat niyakap ito ni Hesus nang buong pagmamahal.
Napapanahon din ang pagdiriwang ng Christian unity lalo’t marami sa mga kristiyano sa buong mundo ang nakararanas ng pang-uusig at diskriminasyon dahil sa pananampalataya na ayon sa datos ng Open Doors ay nasa 360-milyon.
Unang hiniling ni Pope Francis sa mananampalataya na ipanalangin ang bawat kristiyano na sa tulong at gabay ng Panginoon ay manahan ang Banal na Espiritu na magbibigay liwanag sa kaisipan ng tao.
1948 kasabay ng pagtatag ng World Council of Churches ay sinimulang ipagdiwang sa buong mundo ang walong araw na Week of Prayer for Christian Unity. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
NAIA parking fee tataas
Nag-anunsyo ang Manila International Airport Authority (MIAA) na tataas ang sinisingil na y mga buses ay magbabayad ng P100 at ang kotse ay sisingilin ng P50 kasama na rin ang motorcycles na kailangan magbayad ng P20 sa unang dalawang oras. Habang sa susunod na oras pagkatapos ng dalawang oras o di kaya ay ang fraction […]
-
Oplan Baklas sinimulan na ng Comelec
PORMAL nang sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang ‘Oplan Baklas’ o crackdown laban sa illegal campaign materials ng mga kandidato dakong alas-4:00 ng madaling araw, Miyerkoles. Kasabay na rin ito nang pormal nang pag-arangkada ng campaign period para sa national elections kahapon. Mismong si Comelec Chairman George Erwin Garcia at iba pang opisyal ng […]
-
Marcial pinuri si Pacman
Nagbigay ng tribute si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial kay Manny Pacquiao isang araw matapos matalo ang Filipino world eight-division champion kay Cuban world titlist Yordenis Ugas. Ayon sa middleweight na si Marcial, habambuhay na mananatili si Pacquiao sa kanyang puso. “Ever since I was a child, the name Manny […]