• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit P8-B na proyekto ng Manila Water, inaasahang matatapos sa Hunyo

INANUNSYO ng East Zone concessionaire na Manila Water na ang pagtatayo ng P8.2-billion nitong Calawis Water Supply System project sa Antipolo City, Rizal ay nakatakdang matapos sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.

 

 

Sinabi ng Manila Water na ang tubig para sa bagong pasilidad ay nagmumula sa Tayabasan River, na matatagpuan sa Brgy. Calawis.

 

 

Ang nasabing lugar ay bahagi ng Upper Marikina Watershed.

 

 

Dagdag dito, ang Calawis Water Supply System project ay inaasahang magbibigay ng karagdagang 80 million liters per day (MLD) ng treated water sa 919,784 na populasyon sa Antipolo City at mga kalapit na bayan.

 

 

Sa kasalukuyan, habang naghahanda para simulan ang buong operasyon, ang pasilidad ay nakakapagsupply na ng tubig sa ilang lugar ng lungsod kabilang ang Antipolo Government Center.

 

 

Ang proyekto ng Calawis Water Supply System ay binubuo ng 80 million liters per day water treatment plants (WTP), pumping stations, reservoir, at 21 kilometers ng primary transmission line.

Other News
  • Teenager na tulak timbog sa P54K marijuana sa Caloocan

    BAGSAK sa kulungan ang isang teenager na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Paul Jerrie Lira, 18 ng No. 9021, Saint Catherine St., Barangay 177. Sa kanyang ulat kay Northern […]

  • Ads February 19, 2021

  • 32 siyudad at bayan, isinailalim sa State of Calamity dahil kay bagyong Karding

    KASALUKUYANG nasa  32 mga lungsod at munisipalidad ang nasa ilalim  ngayon ng state of calamity.     Ito ang inihayag  ni Press Secretary Atty Trixie Cruz-Angeles sa gitna ng patuloy na assessment na ginagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa bagyong Karding.     Wika ni Cruz-Angeles, may 60, 817  […]