Mahigit P900-M na pondo inilaan ng DOTr para sa pagbuo ng 470km bike lanes sa buong bansa
- Published on June 29, 2023
- by @peoplesbalita
PUMAPALO sa mahigit Php900-million na halaga ng pondo ang inilaan ng Department Transportation para sa plano nitong pagbuo ng mga bike lanes sa buong bansa ngayong taon.
Ito ay alinsunod sa tinatarget ng ahensya na bumuo ng nasa kabuuang 470km na mga bike lanes sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na itatatag plano nitong itatag sa Regions I, III, National Capital Region, IV-A, V, VI, VII, VIII, at XI na mayroong kabuuang pondo na Php932,820,342.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad, ang karagdagang 470km na mga protected bike lanes at pedestrian infrastructures ay bahagi ng kanilang layunin na bumuo ng active transport na isang viable transportation at mobility options.
Aniya, ang mga naturang protected bike lanes ay mag-aambag sa pagbabago sa pananaw ng ahensya na inaasahan ding magreresulta ng pagbabago sa paningin at paggamit ng mga pampublikong kalsada.
Samantala, kaugnay nito ay inaasahang hindi bababa sa 332,000 residente at aktibong gumagamit ng transportasyon ang makikinabang sa nasabing proyekto.
Idinagdag din ng Transportation Department na ang kanilang active transport campaign ay naglalayong magtatag ng 2,400 kilometro ng bike lane sa 2028 upang magbigay ng ligtas na imprastraktura para sa mga siklista, commuters, at iba pang gumagamit ng kalsada. (Ara Romero)
-
Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer. Mismong si Pangulong Duterte ang nagbasa ng rekomendasyon ng task force sa public address nito, Lunes […]
-
MALLARI: First Filipino Film distributed by Warner Bros. Pictures, Kicks off with a Biggest Mediacon and Fancon
MENTORQUE Productions makes history through its film and Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry, MALLARI, as the first Filipino movie distributed by Warner Brothers Pictures. Kicking off its month-long journey towards the December 25 MMFF 2023 release, Mentorque in cooperation with Cleverminds Incorporated, held the biggest and grandest media and fan conference-in-one […]
-
ERC, may refund order para sa bill ng ilang Meralco consumers
Naglabas na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng refund order para ibalik ng Meralco ang sobrang nasingil sa kanilang consumers para sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Kasunod ito ng pagdami ng mga reklamo laban sa napakataas na bayarin ng mga residente ng Metro Manila at mga karatig na lugar. Ayon kay […]