Mahigpit 40 Filipino, inilikas mula Kyiv, Ukraine; naghihintay na makauwi ng Pinas —DFA
- Published on March 1, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa 40 Filipino ang inilikas mula Kyiv at dinala sa lungsod ng Lviv sa Ukraine at naghihintay ngayon na makauwi ng Pilipinas sa gitna ng pagsalakay ng Russia.
Ayon sa tweet ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, tinanggap ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz sa Lviv ang 37 Filipino na bumiyahe ng buong araw mula Kyiv.
Ang mga Filipino ay in- accommodate sa isang hotel sa Lviv.
Sinabi ni Ruiz na nakahandang tulungan ng Philippine Embassy ang mga ito na makaalis ng Ukraine at makapasok sa Poland upang makasakay ang mga ito pabalik ng Pilipinas.
“The Philippine Embassy in cooperation with DFA-OUMWA, is committed to assisting the remaining Filipinos in Kyiv and in other parts of Ukraine in order to bring them out of harm’s way while there is still time,”ayon kay Ruiz.
Samantala, sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na naghanda na ang Philippine government ng local at international relocation para sa mga OFWs sa Ukraine sa gitna ng sigalot sa Russia. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Halos 60K Pinoy nagbenepisyo sa P400 milyong medical assistance – PCSO
IBINAHAGI ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na hindi bababa sa 60,000 Pilipino ang nakinabang sa mahigit P400 milyon na inilabas ng ahensya sa tulong medikal sa unang quarter ng 2023. “Nasa 60,779 kababayan natin ang natulungan sa kanilang gastusing pang-medikal, na umabot sa P410,427,957.55 na inilabas ng PCSO sa pamamagitan ng Medical […]
-
Standing ng Pilipinas sa buong mundo ukol sa usapin ng case fatality rate dahil sa COVID-19, tumaas
TUMAAS ang standing ng Pilipinas sa ranking ng World Health Organization at Johns Hopkins kung pag- uusapan ay case fatality rate. Sa isinagawang presentasyon ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makikitang umangat sa 2.2 ang case fatality ng bansa. Ani Sec. Roque, mula 67 ay nasa 60 na ngayon ang puwesto ng Pilipinas […]
-
100% face-to-face classes tiyaking ligtas
IPINATITIYAK ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ligtas na pagbabalik eskuwela ng milyun-milyong estudyante kaugnay ng plano ng Deparment of Education (DepED) na 100% face-to-face classes sa School Year 2022-2023. “We welcome this push from the Department of Education for the 100% face-to-face classes by SY 2022-2023. This […]