• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigpit na protocols ipinatutupad ng PSC sa training bubble

Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pag-obserba ng mga national athletes sa mahigpit na health and safety protocols sa kanilang trai­ning bubble.

 

 

Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, bago pumasok ang mga miyembro ng national team sa isang bubble ay kailangan muna nilang dumaan sa RT-PCR test bukod pa sa antigen test.

 

 

“Ang pagpasok ng isang (national) team sa bubble kailangan dumaan muna sila sa RT-PCR test,” wika ni Fernandez. “Hindi sila makakapasok doon kung wala silang RT-PCR.”

 

 

Pinaghahandaan ng mga atleta ang 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa Mayo ng 2022 pati na ang Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

 

 

Nasa PSC facilities na sa Teacher’s Camp sa Baguio City ang mga national karatekas at hinihintay naman ang pagpasok ng mga national boxers.

 

 

Ang iba pang national teams na nasa loob na ng bubble training ay ang kickboxing (La Trinidad, Benguet), muay thai (Baguio City), archery (Dumaguete City), fencing (Ormoc City), canoe/kayak (Tacloban) at weightlifting (Cebu at Zamboanga).

 

 

Nakikipag-usap naman ang athletes association sa Department of Education (DepEd) sa Baguio City para makapagsanay sa kanilang pasilidad.

Other News
  • SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA, TULOY-TULOY SA KABILA NG IPATUTUPAD NA ECQ

    TINIYAK ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na sa kabila ng ipatutupad na dalawang linggong Enhance Community Quarantine (ECQ) simula sa Biyernes ay tuloy pa din ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko partikular na sa mga Manilenyo.     Batay sa inilabas na memorandum ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu sa lahat ng […]

  • Ads September 30, 2020

  • Ads April 18, 2022