• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigpit na seguridad ipapatupad ng PNP sa filing ng COC

Asahan ang mahigpit na seguridad sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) simula unang araw Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

 

 

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, mas maraming pulis at augmentation units kabilang na ang intelligence personnel ang naka-deploy upang mapigilan ang anumang banta.

 

 

Ilan sa critical scenarios na pinaghandaan ng pulisya sa kanilang simulation exercises (SIMEX) kahapon ay ang shooting incident, assassination attacks, bomb threat, fire incident, pagdagsa ng mga tagasuporta ng mga pulitiko, ambush, sunog at iba pa.

 

 

Maliban sa mga pulis, nakabantay din ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Commission on Elections (Comelec) concerned local government units, at disaster personnel.

 

 

Una nang pinatutukan sa mga pulis ang mga lugar na may matinding political rivalry at election-related violent incidents.

 

 

Pinaghahanda na rin ni Eleazar ang Special Action Force (SAF) para sa posibleng deployment sa mga lugar na tinaguriang elections areas of concern.

 

 

Siniguro ni PNP chief na paiigtingin nila ang kanilang efforts para lahat ng mga banta ay kanilang namonitor at mapigilan.

 

 

Gagamitin na rin ng PNP ang kanilang mga body worn cameras para magkaroon ng real time monitoring mula sa PNP Command Center sa Camp Crame at sa ibat ibang regional police offices sa buong bansa.

 

 

Nakalatag na rin ang seguridad sa may bahagi ng Sofitel hotel kung saan gagawin ang walong araw na filing of certificate of candidacy.

Other News
  • Diplomatic relations, naiisip na paraan ng gobyerno para makakuha ng AstraZeneca na gagamitin sa pagbibigay ng ikalawang dose para sa mga una ng naturukan nito

    GAGAMITIN ng gobyerno ang diplomatic relation para makakuha ng AstraZeneca vaccine.   Ito’y upang masiguro na hindi mabibitin sa pagtuturok ng ikalawang dose ang mga naturukan ng AstraZeneca sa harap ng umano’y pagkakaantala sa pagdating ng mga bakuna mula sa COVAX Facility.   Ayon kay Chief Implementer at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, may problema […]

  • Bukod sa pagiging aktor at direktor: XIAN, ibinahagi na may talent din sa pagkanta

    BUKOD sa pagiging aktor at direktor, pinakita rin ni Xian Lim ang isa pa niyang talent at ito ay ang pagkanta.     Sa Instagram, nag-share si Xian ng photo at video habang nasa isang recording session siya. Inawit ni Xian ang isang song na makakasama sa soundtrack ng kinabibilangan niyang GMA primetime teleserye na […]

  • Gobyerno, target ang buwanan na Bayanihan, Bakunahan drives —NVOC

    TARGET ng pamahalaan na magsagawa ng buwanan na “Bayanihan, Bakunahan” drives sa ilang lugar upang itaas ang vaccination rate sa bansa.     Sa Laging Handa public briefing, kinumpirma ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Myrna Cabotaje na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang bagay na ito.     “Oo, iniisip natin ‘yung iba-ibang strategy. […]