• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahihilera na kina Manny, Pia at Catriona: LEA, balitang magkakaroon na ng wax figure sa Madame Tussauds sa Singapore

BALI-BALITANG malapit nang magkaroon ng kanyang sariling wax figure ang Filipina international star na si Ms. Lea Salonga sa Madame Tussauds Wax Museum.

 

 

Ayon sa Merlin Entertainments, ang company na nag-o-operate ng Madam Tussauds, pinipili na nila ang next Filipino celebrity para mai-display sa bagong branch ng Madame Tussauds sa Singapore.

 

 

So far, tatlong Filipino celebs pa lang ang may wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong. Ito ay sina Pambansang Kamao Manny “Pacman” Paquiao, at sina Miss Universe 2015 and 2018 na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

 

 

Nasa top of the list si Lea dahil bukod sa siya ang kauna-unahang Asian actress na manalo ng Tony Award for Miss Saigon, isa rin siyang Disney Legend dahil sa kanyang pag-awit sa mga Disney animation films na Aladdin at Mulan. Nakasama rin ang boses ni Lea sa short film na Once Upon a Studio para sa Disney 100th anniversary.

 

 

After ‘Here Lies Love’, nasa London si Lea para sa tribute revue na Stephen Sondheim’s Old Friends. At muli siyang mapapanood sa mystery drama series ng HBO na ‘Pretty Little Liars: Summer School’.

 

 

(RUEL J. MENDOZA) 

Other News
  • “SUSUKA pero hindi SUSUKO”

    HINDI inalintana ng mga youth volunteers ni presidential candidate Manila Mayor Francisco “ISKO” Domagoso na lulan ng “Bus ni Isko” ang bagyo at sama ng panahon matapos nilang suungin ito patungo ng Dapitan , Zamboanga del Norte noong nakaraang araw ng Martes ng buong tapang.     Ayon Kay Ces Bayan , ng grupong Ama […]

  • Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

    NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]

  • PLUNDER CASE LABAN sa mga NAGPATUPAD ng NCAP

    ITO ANG  hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman ng sampahan niya ng plunder case sila Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso.     Ayon sa demanda ni Atty. Lopez “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 nang Vice Mayor […]