Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan – MMDA
- Published on November 5, 2021
- by @peoplesbalita
Payag ang mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong Christmas season, upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan, ayon ito kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes.
Sinabi ni Abalos na pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA na magbubunga ng mas mabigat na daloy ng trapiko kaya kinausap nila ang mall owners sa ganitong aksyon.
Iginiit din aniya, ng mall operators na problema umano rito ang curfew at limited capacity na pinapayagan sa mga public utility vehicles (PUVs).
Ayon naman kay Abalos na nakatakda silang magpalabas ng resolution tungkol sa curfew na napagkasunduan na rin ng Metro Manila mayors., Maging ang public transport naman ay itinaas na sa 70% capacity ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Una nang hiniling ni Abalos sa mall operators ang pagpapahaba ng operating hours at huwag magsagawa ng sale kapag weekdays at sa halip ay weekends at holidays na lamang upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko at matulungan ang pagbangon ng ekonomiya.
Ang curfew na ipinapatupad sa rehiyon ay nagsisimula ng alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
“In fact, nag-uusap na ang mga alkalde as we are talking right now. Inaayos na rin ‘yung draft of the resolution, if ever. Nagkakabotohan kasi. Pagkaboto nila, I have to draft the resolution. And then, they will have to sign it, by e-signature, bawat isa,” ani Abalos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Itinodo ang husay at lakas sa tapatan nila ni Buboy: KOKOY, tinanghal na Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man PH’
SINO ang mag-aakala na si Kokoy de Santos na duwag sa mga horror challenges ay siya palang tatanghaling Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man Philippines’? Deserving naman si Kokoy dahil itinodo niya ang kanyang husay at lakas sa sa one-on-one match nila ni Buboy Villar kaya naman siya ang nagwagi. […]
-
Mga Pilipino sa Italy, nakisaya sa tagumpay ng national team sa EURO 2020
Maging ang mga Pilipino ay nakikisaya sa naging panalo ng Italy laban sa England sa isinagawang EURO 2020. Sa naging panayam kay Bombo International News Correspondent Annabel Quismorio Noble tubo ng Barangobong, Luna, La Union at naninirahan na sa Italy na maging sila ay masaya sa panalo ng Italy national team. […]
-
Covid-19 vaccine ng Astrazeneca, hindi pa maaring tanggapin at ipamahagi ng covax facility
IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeirre kung bakit kailangan pa ring hintayin ng Astrazeneca ang Emergency USe LIst O eul na mula sa world health organization (WHO) bago ito ng COVAX facility. Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeirre na isa sa mga ginagawang basehan o kondisyon ng covax facility para kanilang tanggapin ang […]