MAINE, JUDY ANN at RYAN, bakunado na rin at hinihikayat ang netizens; ‘wag ding maniwala sa sabi-sabi
- Published on June 23, 2021
- by @peoplesbalita
SUNUD-SUNOD na ang mga celebrities, na pasok sa A4 category ang media at entertainment industry, na nagpapabakuna ng COVID-19 vaccine at kabilang na nga ang Eat Bulaga dabarkads na si Maine Mendoza.
Sa kanyang Instagram post, makikita ang photos na pagpaturok ng bakuna na pinusuan naman ng netizens.
Caption ng tv host/actress, “I got my COVID-19 Vaccine!.
“Got my first dose! Thank you, MandaVax!”
Paghihikayat pa niya sa netizens, “Do your part and get vaccinated, dabarkads!”
Ang iba pang celebrity na nagpabakuna na ng COVID-19 vaccine ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera; Barbie Forteza at Jak Roberto; Ruru Madrid at Bianca Umali; ; Regine Velasquez at Ogie Alcasid; Iya Villania at Drew Arellano; Aga Muhlach at Charlene Gonzalez kasama ang na sina Andres at Atasha, Kim Chiu, Jane Oineza at RK Bagatsing; Maris Racal at Rico Blanco, Aiko Melendez, Gretchen Barretto, Glaiza de Castro at JM de Guzman.
Kasama rin sa A4 ang mga delivery service rider, self-employed, at iba pang manggagawa na kailangan pumasok sa trabaho.
***
NAKAPAGPABAKUNA na rin ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos noong Lunes, June 21.
Sa MMDA (Metro Manila Development Authority) office sila nabakunahan ng AstraZeneca.
At sa post ni Juday, hinahikayat niya ang lahat na magpabakuna kahit may natatakot pa rin, kung may pagkakataon para kaligtasan at makaiwas sa matinding epekto ng COVID-19 virus na mayroon na namang bagong variant na nakapasok na sa bansa.
“First jab! pabakuna na po tayo.. para sa mga mahal natin sa buhay at para may panlaban tayo sa bawat strain ng covid.. nakakatakot ang magkaroon ng covid.. “mas nakakakampante po ng loob ang pagpapabakuna kesa maniwala sa mga naririnig nating sabi sabi at haka haka sa paligid natin…? “#mmdammffvaccineprogram.”
Sa naturang vaccination site din nagpabakuna na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Eugene Domingo, Luis Alandy, Richard Quan at Atom Araullo.
(ROHN ROMULO)
-
Marcelino sobra na ang sakripisyo
PINAGTAPAT ni Philippine Basketball Association o PBA rookie rookie Jaycee Marcelino ng Alaska Milk na naging mahirap para sa kanya ang pagkakatengga ng ika-45 na edisyon ng propesyonal liga na Philippine Cup 2020 elimination round. Ayon kamakalawa sa basketbolista, may 10 buwan siyang hindi nakapaglaro ng opisyal na basketbol o magbuhat nang yumukod ang […]
-
P1,000 taas sa buwanang sahod para sa mga kasambahay sa NCR, aprubado na – DOLE
INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P1,000 taas sa buwanang sahod ng mga kasambahay ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon kay DOLE spokesperson Rolly Francia, magiging P6,000 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region. Nasa 200,000 kasambahay […]
-
Mga bakanteng posisyon, pinunan ni PBBM
PATULOY ang ginagawang pagpupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga bakanteng posisyon sa kanyang administrasyon. Sa katunayan, matapos italaga si Juanito Victor C. Remulla Jr., bilang ad interim Secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG), at Gener M. Gito at J. Ermin Ernest Louie R. Miguel bilang mga Associate Justice ng […]