Maine, pinusuan ng netizens ang pinost na photo collage nila ni Arjo
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
PINUSUAN ng netizens ang IG post ni Maine Mendoza sa pagbati ng, “happy birthday” na may kasamang heart Arjo Atayde na nag-30 na noong November 5.
Halos umabot sa kalahating milyon ang milyo ang nag-like sa post ni Maine na may kalakip na nakakikilig at nakatutuwang photo collage nila ni Arjo.
Ilan sa naging comments:
“Happy birthday @arjoatayde! Cute niyo!” “Happy Birthday @arjoatayde! Stay happy you guys = @mainedcm.”
“OMG KILIG AKO SA INYO.”
“Happy birthday @arjoatayde ! Uwaw close hahaha.”
“Ang ayos ng mga pic wla bang mas aayos pa dyan!? Love u both.”
Nag-comment din ni @ginalajar, “Happy Birthday to Arjo!!! Inaanak ko yan… stay safe and happy…”
“Eto yung hinihintay ko.”
“Love this.”
“Awww so sweet… Happiest birthday to you @arjoatayde!”
“Sana all! Love you @mainedcm.” “Happy birthday to @arjoatayde wish more love sa inyong dalawa..”
“They look happy at maganda close sila sa family ng isat isa. Love love lang.”
As usual may basher pa rin, dahil nag-react si @mylenedizonbruno, “
@reezabelo close??? edited lang ang lahat dba scripted w/pay.”
@ r a m i r e z k h r i s t i n e , “@mylenedizonbruno takot kc sa boss nila. kasama sila sa sarzuela…”
Sabi naman ni @reezabelo, “@mylenedizonbruno bes move on na may personal lives na sila. Wag masyado mabulag sa false fantasies ha.”
@ _ a g u i l a r m a j z h , “@mylenedizonbruno hahaha nganga. Papayag ka bang magkapera lng sa ganyang paraan? Eh may trabaho nman xa. Hnd nman desperado si maine sa pera siguro no. Para magpabayad ng ganyan. Real na di pa tanggap..”
Sagot naman ni @mylenedizonbruno, “@reezabelo. kayo ang mahilig magkunwari.”
@ 1 6 8 8 a l a b a n g g i r l , “@mylenedizonbruno nay asikasuhin mo na lang mga anak mo kesa mabuhay ka sa imaginations mo. 2020 na na stuck ata kayo sa 2015.
@ y e h b a b y y y , @mylenedizonbruno hahahaha.. hallucinating.”
Sabi pa ng isang netizen, “Ayan na proof ha! Si YayaDub na talaga pumatay sa Aldub Nation kaya yung mga natitirang delulu dyan gising gising na. Pero in fairness, marami ako nabasa na mga ADN fans na nag withdraw na ng support kay Maine after she posted this photo at Solid Alden na lang daw sila ngayon.”
Samantala, nag-post na rin si Sylvia Sanchez sa kanyang IG account kasama ang series of photos kasama si Maine at ang buong pamilya Atayde na kuha sa kanilang bahay sa White Plains, na ‘di maikukubli ang kanilang kaligayahan.
Post niya sa @sylviasanchez_a,
“Masaya ako anak @arjoatayde kasi alam kong masayang masaya ka.
Maligayang kaarawan sayo. Love you. #family #happiness #grateful #blessed #thankuLORD Happy morning.”
Na agad naman nag-comment si Arjo ng kanyang pasasalamat at pagmamahal sa nanay na aktres.
“I love you ma! Thank you for cooking and for just always having my back. I love you so much.” (ROHN ROMULO)
-
DepEd sinita ang corrupt allegation ni Pacquiao, sinabing ‘false accusation’
PINAGALITAN ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa pag-akusa nito sa ahensiya bilang “the most corrupt in government.” Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang di umano’y “wrongdoing unsupported by specific facts” ay katumbas ng false accusation. Sa isinagawang taped interview para kay KBP-Comelec […]
-
Mahigit 350K residente sa Amerika, nawalan ng suplay sa kuryente dahil sa winter storm
PATULOY na hinahagupit ng “massive winter storm” ang Amerika na na nag-iiwan ng higit sa 350,000 katao ang apektado. Kasalukuyang naranasan ngayon sa Arkansas at Tennessee; Illinois at Ohio; Kentucky at West Virginia ang makapal na snow, freezing rain at nagye-yelo na paligid dahilan upang nawalan sila ng suplay ng kuryente. […]
-
Bong Go, kinumpirma ang PRRD-BBM meeting…
KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go, ang nangyaring miting o pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos. Sa isang panayam matapos na bisitahin ni Go ang Malasakit Center at turnover ceremony ng financial assistance mula sa Office of the President sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon […]