MAJA, pinupuri sa ‘Arisaka’ at mukhang makakalaban nina SHARON at KIM sa pagka-Best Actress
- Published on October 8, 2021
- by @peoplesbalita
PINUPURI nga ng netizens ang official poster ng Arisaka na pinagbibidahan ni Maja Salvador na magwo-world premiere at magko-compete sa 34th Tokyo International Film Festival (TIFF)
Inilabas na rin ni Direk Mikhail Red official trailer at makikita si Maja na isang policewoman na trying to escape and survive habang hinahabol ng mga kapwa-pulis headed by Mon Confiado.
At sa muling pagli-lead ni Maja sa Arisaka posibleng makasungkit uli siya ng Best Actress tulad noong 2011 sa Gawad Urian at Film Academy of the Philippines dahil sa mahusay niyang pagganapa sa Thelma.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang netizens dahil sunud-sunod ang blessings na dumarating kay Maja na araw-araw na napapanood sa Nina Nino sa TV5 (na kung saan hinirang siyang National Winner for Best Actress sa Asian Academy Creative Awards 2021) at sa Eat… Bulaga! sa GMA-7 at ilang sa mga komento nila:
“Mukhang sinuswerte ang Maja ah? Daming ganap!”
“Like the poster! Lahhveeet!”
“Another BEST ACTRESS for Maja.”
“Lakas maka Hollywood. Ganda.”
“Ang ganda deglamorized sya pero matindi pa rin ang dating. Ayon sa broadsheet may gagawin din syang drama sa GMA pang pŕimetime.”
“’Arisaka’ pala is a Japanese military rifle used until WW2.”
“Pinanood ko trailer. Badass ni Maja! Will definitely watch this.”
“Wow. parang quality movie ito. papanuorin ko ‘to!”
“Truly a thespian unlike ung iba jan na overhyped at hamonada. Yan ang tatak Johnny Manahan!”
“Love it! The QUEEN truly deserves all the blessings!”
“Mukhang may makakalaban na sina Sharon Cuneta at Kim Molina for Best Actress next year ah!”
***
SA sina Nadine Lustre, Curtismith, Ben&Ben at DJ Nix Damn P at DJ Marvelous sa isang gabi ng musika at kasiyahan para sa mental health handog ng KonsultaMD.
Ang libreng concert ay mapapanood ng live sa Oktubre 9, 5:30pm sa KonsultaMD official Facebook page.
Ang concert na ito ang pinaka-highlight ng isang buwang kampanya ng KonsultaMD na tinawag na “Be Kind To Your Mind.” Nais ng KonsultaMD na mas marami pang mga Pilipino ang makaalam ng kahalagahan ng kalusugan ng isip lalo na sa kasalukuyang panahon.
Malayo na rin ang narating ng Pilipinas pagdating sa pagpapalaganap ng impormasyon sa mental health pero marami pa ring kailangang gawin para magkaroon ng maayos na pamantayan ng mental health services ang bansa, ayon kay Cholo Tagaysay, CEO ng KonsultaMD.
Ang mga celebrities na sina Nadine Lustre at Ben&Ben ay matagal na ring nagtataguyod ng mental health at wellness gamit ang kanilang sariling mga plataporma para hikayatin ang mga tao na alagaan ang kanilang sarili at makatulong sa iba.
Noong nakaraang Setyembre 12, nagkaisa ang KonsultaMD at dating beauty queen na si Kylie Versoza para sa event na pinangalanang “Mental Health Matters” na inilunsad ang Be Kind To Your Mind campaign bilang suporta sa World Suicide Prevention Day. Nagkaroon pa ng iba’t-ibang mga aktibidad gaya ng libreng yoga classes, meditation, at sound healing.
Maliban doon, nagkaroon din ng mga usapan kung paano haharapin ang new normal, paano mapapanatiling masigla ang mga relasyon sa panahon ng pandemya, at kung paano hihingi ng tulong kung kinakailangan.
Ang mga Globe at TM customers ay maaaring makakuha din ng libreng isang buwan health plan mula sa KonsultaMD hanggang Oktubre 31. Kailangan lang i-download ang KonsultaMD app at gamitin ang voucher code na BEKINDTOYOURMIND para magamit ang promo.
Ang KonsultaMD ay isang 24/7 telehealth service provider na pinamamahalaan ng mga lisensyadong doktor na nagbibigay ng medikal na payo tungkol sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan. Ito ay isa sa mga kumpanya sa ilalim ng 917Ventures, ang pinakamalaking corporate venture builder ng bansa.
Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa KonsultaMD, bisitahin ang https://konsulta.md.
(ROHN ROMULO)
-
Ads November 11, 2022
-
Bilang ng may trabaho dumami — NEDA
INIHAYAG ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan na tuluy-tuloy ang pagpapaigting ng gobyerno sa mga istratehiya nito upang lumikha ng mataas na kalidad na mga oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino, dahil nananatiling matatag at nababanat ang labor market sa bansa, na pumapasok sa record-low unemployment rate noong […]
-
Nasa 600-K DepEd personnel, magsisilbi sa Halalan 2022
NASA 600,000 na mga tauhan ng Department of Education (DepEd) ang nakatakdang magsilbi para sa nalalapit na Halalan 2022. Ayon kay DepEd Director Marcelo Bragado Jr., mas mataas ito kumpara sa bilang ng mga DepEd personnel na nagserbisyo noong nakaraang eleksyon noong taong 2019. Paliwanag niya, ito ay sa kadahilanang nadagdag […]