Pondo ng PSC sa 2021 aprubado sa Senado
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
PASADO ang isinumiteng hinihinging badyet ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2021 nang pagtibayin sa committee level ng Senado nitong Martes sa pamamagitan ng virtual hearing na pinangunahan ni Committee on Sports chairman, Sen. Christopher Lawrence Go, kasama sina Sens. Imee Marcos at Nancy Binay.
Pinapurihan din ng mambabatas ang PSC at mga atleta sa pagiging overall champion ng Team Philippines sa nakaraang taon na 30th Southeast Asian Games na idinaos sa kapuluan ng Luzon sa loob ng 11 araw at sinalihan ng 11 bansa.
“We ended 2019 on a high note because of that monumental win. Thanks to you and our national team,” wika ni Go.
Kumatawan sa PSC nina Chairman William Ramirez, Commissioner Ramon Fernandez, at Acting Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na nagpresenta sa breakdown ng pro- posal na umabot sa sa P207M at dumaan na rin sa pag-aaral at pagtibay ng Department of Budget Management (DBM).
Hiwalay pa ang gagastusin sa preparasyon at partisipasyon ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics at sa 2021 Vietnam SEA Games na aabot sa P250M, pati na rin ang para sa Paralympics, Asian Indoor and Martial Arts Games, Asian Youth Games at sa Asian Beach Games. (REC)
-
DOTr, handa sa dagsa ng biyahero sa Undas
TINIYAK ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na handa na ang sektor ng transportasyon sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya sa Undas. Ayon kay Bautista, pinalawak na nila ang air, land, at sea travel units upang ma-accommodate ang bilang ng mga pasahero na inaasahang bibiyahe sa […]
-
SWS: 91% ng mga Pinoy takot na mahawa sa COVID-19
Mahigit siyam sa 10 Pilipino ang nababahala na matamaan sila ng COVID-19 o ang kanilang mahal sa buhay. Base sa survery na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang 25, natukoy na 91% ng mga Pilipino ang nababahalang mahawa sila o kanilang kamag-anak sa COVID-19. Sa naturang numero, 77% ang […]
-
IATF, binago ang panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers
BINAGO ng Inter-Agency Task Force ang mga panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers epektibo kahapon Oktubre 14, 2021. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na para sa mga fully vaccinated foreign nationals, ang negative RT-PCR test ay required na isasagawa sa loob ng 72 hours bago pa ang kanilang departure […]