Makabayan Bloc nanawagan sa pangulo para magpatawag ng special session para sa impeachment trial
- Published on February 26, 2025
- by Peoples Balita
HINIKAYAT ng Makabayan bloc si Presidente Bongbong Marcos na agad magpatawag ng special session ang Kongreso para sa senado na mag-convene bilang impeachment court para sa pagdinig ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.
“Kung talagang bukas ang Pangulo sa special session, dapat ay tahasang gawin na niya ito. Hindi na dapat maghintay pa ng kahilingan mula sa Senate President o House Speaker. The people demand accountability now,” ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel.
Sinabi ng mga mambabatas na ang mga ginagawang legal maneuvers ng kampo ni Duterte para mabinbin at madiskaril ang impeachment process ang dahilan upang mas maging agaran ang panawagan.
“We cannot allow narrow political interests and electoral considerations to obstruct justice and constitutional processes. Nakakabahala ang patuloy na pagpapaliban sa impeachment trial. Ang bawat araw na dumadaan ay isang araw na pinapatagal ang hustisya para sa mamamayan,” giit pa ng mga ito.
Idinagdag pa ng mga mambabatas na hindi maaaring patuloy na gawing hostage ng mga pulitikong may makitid umanong interes ang impeachment process.
“Kailangang magkaisa at kumilos ang mamamayan upang isulong ang tunay na pagbabago at pananagutan,” pahayag pa. (Vina de Guzman)
-
Dahil ibang level ang pagiging kontrabida: DENNIS, inaming pinakamahirap na role ang tinanggap sa ‘Pulang Araw’
INAMIN ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na ang role bilang Japanese Imperial Army’s head, Col. Yuta Saitoh sa ‘Pulang Araw’ ang pinakamahirap na papel na ginampanan niya sa ngayon. Sa exclusive media conference para sa aktor, ang kontrabida role na ito ay ibang level sa kanyang acting career. […]
-
Libreng pera padala para sa OFWs, inilunsad
INILUNSAD nitong Linggo ang pagsasanib ng Sendwave at GCash na bagong “fee-free money transfer apps” o “libreng pera padala” na layong matulungan ang mga overseas Filipino workers at ang kanilang mga mahal sa buhay na pakinabangang mabuti ang ipinadadalang mga remittance. Ayon kay Dan Santos, Sendwave Growth Manager sa Pilipinas, nakipagtambalan na sila […]
-
US hurdler nabasag ang world record sa 400-m
Nabasag ni American hurdler Sydney McLaughlin ang 400 meters hurdles world record sa oras na 51.90 seconds sa finals ng US Olympic athletics trials. Nahigitan ng 21-anyos na si McLaughlin ang record na hawak ni Rio Olympic champion Dalilah Muhammad na mayroong 52.16. Pinasalamatan nito ang kaniyang bagong coach na si […]