MAKABAYAN slate, nagsumite ng COC
- Published on October 7, 2024
- by @peoplesbalita
MAGKAKASAMANG nagsumite ng kanilang dokumento at intensyon ng pagtakbo para sa 2025 national at local elections ang Makabayan slate ngayong ika-apat na araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Ang mga sumunod na Makabayan slate at mga kumakatawan ay ang mga sumusunod.
1. ACT Teachers Rep. France Castro
2. Gabriela Rep. Arlene Brosas
3. Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis
4. Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairperson Danilo Ramos
5. Ex- National Anti-Poverty Commission Lead Convenor Liza Maza
6. Pamalakaya Vice Chairperson Ronnel Arambulo
7. Dating Bayan Muna Representative Teddy Casiño.
8. Filipino Nurses United Secretary General Jocelyn Andamo
9. PISTON National President Mody Floranda
10. Kadamay Secretary General Mimi Doringo.
11. Sandugo Co-Chairperson Amirah Lidasan
Kabilang sa mga isusulong ngga kandidato ang paglaban sa kurapsyon, patas na pasahod, pagtatanghol sa mga manggagawa, pagbasura sa PUV Modernization Program at maayos na serbisyong medikal at marami pang iba.
Bagama’t aminado ang grupo na wala silang sapat na pondo para sa kanilang pangangampanya pero naniniwala silang iboboto ng taumbayan dahil sa bitbit nilang plataporma. GENE ADSUARA
-
Lydia de Vega bibigyang ng especial na lugar sa itatayong POC museum
MAGKAKAROON ng kakaibang puwesto sa ipapatayong Philippine Olympic Committee Museum sa New Clark City sa Capaz, Tarlac ang namayapang sprint queen ng bansa na si Lydia de Vega. Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na plano nilang maglagay ng lugar sa nasabing museum kung saan makikita ang mga tagumpay ni de Vega. […]
-
KYLIE, bigay-todo at hahangaan sa ‘The Housemaid’; happy sa pagiging supportive ni JAKE
NGAYONG ika-10 ng Setyembre, kakaibang Kylie Verzosa ang mapapanood sa The Housemaid, ang erotic thriller mula sa Viva Films, dahil ilalabas nito ang pagiging inosente, mapusok, kalmado at palaban. Si Miss International 2016 ay gumaganap bilang Daisy, kinuhang taga-pangalaga ng isang batang si Nami (Elia Ilano), anak ng bilyonaryong si William (Albert Martinez), […]
-
Ads February 14, 2022