MGCQ pagkatapos na lang ng holiday season
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Ayaw ng mga mayors sa Metro Manila na luwagan ang community quarantine ngayong Christmas season upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. nag-iingat ang mga mayors at kung magluluwag man sa community ay pagkatapos na ng holidays.
“At the same time, nag-usap-usap po kami ng mga mayor, talagang very cautious po sila na magkaroon po ng MGCQ dito sa Manila. So ang recommendation po nila ay just in case magkaroon man ng easing of restriction ay maybe next year after the holidays,” ani Galvez.
Sinabi pa ni Galvez na maging si Mayor Sara Duterte ay nais manatili sa general community quarantine (GCQ) ang Davao City ngayong Disyembre.
“Ang nakita po natin, even iyong Davao City, nagpaalala po si Mayor Sara na Davao City magiging GCQ this holiday season,” ani Galvez.
Nanawagan din si Galvez kay Interior Sec. Eduardo Año na ipaalala sa mga opisyal ng mga local government units (LGUs) na nasa ilalim ng MGCQ na dapat higpitan ng kaunti ang galaw ng mga tao kung kinakailangan.
“So, iyon po ang pinapaalala po namin na even though iyong iba naka-MGCQ, we are calling the attention of the LGUs through our Secretary Año na sana medyo higpitan natin kaunti iyong ating mga restrictions sa mga unnecessary, non-essential movements,” ani Galvez.
Mahalaga aniyang sundin pa rin ang tinatawag na minimum health standards ngayong holiday season. (ARA ROMERO)
-
Navotas nagkaloob ng tax refund
Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng […]
-
LRT 1 Cavite extension on time ang construction
NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project ay matatapos ayon sa schedule nito kung saan ito ay magiging operasyonal sa huling quarter ng taong 2024. Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala, ang […]
-
9 na bagong opisyal ng gobyerno, nanumpa sa harap ni PBBM
PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bakanteng posisyon sa tanggapan at departamento ng gobyerno. Sa katunayan, inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga mga opisyal na nag- oath of office sa harap mismo ni Pangulong Marcos, ngayong araw, Hulyo 7. Ang mga ito ay […]