• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAKABAYANG PANGULO at DAYUHANG KAPITALISTA sa ILALIM ng SB 2094

Sa ngayon ay maaring masakop ng malakas na bansa ang mas mahina hindi lang sa paggamit ng “military power” kundi ng “economic power”.   Maaring malubog na sa utang ang mas mahinang bansa na hindi maayos sa paghawak ng ekonomiya kaya walang magagawa kundi isuko na lang ang sarili sa pamamagitan ng malalaking negosyo at kontrata sa gobyerno. Isa ito sa pinangangambahan ng mga tutol sa pag-aalis ng ‘nationality restriction requirement’ sa Saligang Batas na 60 – 40 pabor sa Pilipino sa mga public utility industries.

 

 

Kailangan ang mga dayuhang kapitalista sa ekonomiya kaya nga pwede sa mga public utilities kahit hanggang 40 percent na foreign ownership. Sa mga hindi naman public utility ay pwede lumampas sa 40 percent na pagmaymayari ng dayuhan ang pinapayagan ng batas.  Pero bakit nga ba dapat lamang ang pag-aari ng pinoy sa public utility industries – dahil kapag kontrolado ng dayuhan ng buong buo ang tubig, kuryente, broadcast, telepono, transportasyon, at iba pa ay kontrolado na ng dayuhan ang Pilipinas nang hindi man lang nagpapaputok kahit isang bala.  Ang panganib na ito ay pangamba rin ng mga mambabatas na nagsusulong ng SB2094 na bubukas ng bukang-buka ang mga industriyang binanggit sa dayuhan maliban sa kuryente at tubig.

 

 

Sa panukala :

 

Sec. 14 Review of Foreign Direct Investment in Covered Transactions

A. National Security Reviews, how initiated – The President or the National Security Council shall initiate a review of a covered transaction TO DETERMINE ITS EFFECTS ON THE NATIONAL SECURITY OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES if

 

  1. The covered transaction is a FOREIGN GOVERNMENT CONTROLLED TRANSACTION; and,
  2. The transaction would RESULT IN CONTROL OF ANY CRITICAL INFRASTRUCTURE OF OR WITHIN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.

 

Karagdagan sa maaring gawin ng Pangulo ay:

 

Action by the President – The president MAY take (not ‘shall take’ – ibig sabihin depende sa kanya) such appropriate action including suspension of a covered transaction involving critical infrastructure that THREATENS TO IMPAIR THE NATIONAL SECURITY OF THE PHILIPPINES.

 

 

So, kung maipapasa ang panukala at maging batas ay nakasalalay sa Pangulo ang pagdepensa ng bansa laban sa “economic takeover” ng dayuhang bansa gamit ang kanilang mga kapitalista. Kaya nga kinakailangan pagaralang mabuti ang panukalang ito bago pa tayo mawalan ng sariling bayan.

 

 

Sa 2022 at lantad na ang mga kandidatong presidente at mga mambabatas, kailangan maging klaro ang posisyon nila sa mahalagang isyung ito.

 

 

Sa mga botante ok lang na maaliw tayo sa pagsasayaw o pagkanta ng mga kandidato, tanggapin ang pera siguruo o mg bagay na ibinibigay nila pero mas isipin natin na iba na kapag BOTO MO ANG PINAGUUSAPAN. SAGRADO YAN.

 

 

Ibigay natin ang botong yan sa mga kandidatong tunay na may malasakit sa bayan at kaya tayong lahat na ipaglaban!

Other News
  • FINN WOLFHARD, NO STRANGER TO “GHOSTBUSTERS,” RELISHES “AFTERLIFE” ROLE

    FINN Wolfhard who is best known for his starring role as Mike Wheeler in the critically acclaimed Netflix Original Series Stranger Things and as Richie Tozier in the blockbuster horror feature IT, now stars in Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, openingexclusively in Philippine cinemas on February 16.   [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/vstFiU4r-Cc]   Directed by Jason Reitman (Juno, Up in the […]

  • BIANCA, hinihintay na ng viewers kung paano makikipagbangayan kina ALICE at ANDREA

    HINIHINTAY na ng mga viewers ng Legal Wives ang pangatlong wife ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo), si Farrah, played by Kapuso young actress Bianca Umali.      Maraming expectations ang mga viewers kay Bianca dahil isa siyang mahusay na actress, and she will play the youngest among the three wives of Ishmael.  Ang first wife […]

  • Inamin na may bago nang inspirasyon: Mensahe ni TOM kay CARLA: “I really wish her well”

    MAY mensahe si Tom Rodriguez sa dati niyang asawa na si Carla Abellana.     Sa recent na guesting kasi ni Tom sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay tinanong ni Kuya Boy si Tom kung ano ang ipinagdarasal niya para kay Carla.     “I really wish her well.     “Everyone of us […]