• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makakasama si John bilang ama niya: PAOLO, gaganap na gay martial arts fighter sa ‘Fuchsia Libre’

MAY bagong pelikulang gagawin ang Kapuso TV host-actor na si Paolo Contis, kasama ang batikang aktor na si John Arcilla.

 

 

Sa Chika Minute report sa GMA News “24 Oras”nitong Lunes, sinabing isang gay martial arts fighter ang magiging role ni Paolo sa pelikulang may pamagat na ‘Fuchsia Libre’.

 

 

Wala pang ibang detalye na ibinigay tungkol sa naturang movie. Pero sa isang ulat ng PEP.ph na sinulat ni Gorgy Rula sinabing mag-ama ang magiging role nina Paolo at John.

 

 

Gustong-gusto raw ni Paolo ang naturang movie project dahil sa Pilipinas lang ito gagawin at malapit pa sa studio ng “Eat Bulaga,” kung saan isa siya sa mga host ng nootime show.

 

 

Gaya ng iba pang movie projects ni Paolo, ang Mavx Productions din ang magpu-produce ng ‘Fuchsia Libre’.

 

 

Ang iba pang pelikula ni Paolo na kaniyang ginawa o ginagawa pa ay ang “Ang Pangarap Kong Oskars,” kasama si Joross Gamboa.

 

 

Samantala sa movie sa “Tasmania” na kinunan ang ilang bahagi sa abroad, kasama ang kaniyang mga “Tabing-Ilog” co-stars na sina Patrick Garcia at Kaye Abad.

 

 

***

 

 

HINDI raw nag-ambisyon kahit kailan si Christian Vasquez na maging isang pulitiko.

 

 

Pero may mga nag-alok na raw sa kanya na tumakbo bilang public official pero tinanggihan niya.

 

 

“Pero parang hindi lang siya para sa akin, siguro.”

 

 

Bilang konsehal sa probinsiya nila sa Bacolod ang inialok dati kay Christian.

 

 

“Sa tingin ko hindi ko siya matatrabaho ng maayos kasi… iba siguro yung hilig ko. Parang ang politics is hindi e, hindi talaga.

 

 

“Kasi nakikita ko yung trabaho nila, mahirap e, so parang mahirap tanggapin yung isang bagay pag hindi naman buo yung puso mo.”

 

 

Nagsasalita ng tapos si Christian, hindi niya papasukin ang mundo ng pulitika.

 

 

Para lamang raw siya sa mundo ng showbiz; sa katunayan ay kasalukuyang napapanood si Christian bilang si Zambojil sa ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA-7 na umaariba sa ratings.

 

 

Kasa marin si Christian sa cast ng ‘KUYA: The Gov. Edwin Jubahib Story’ na isang biopic feature film na pagbibidahan ng award-winning actor na si Richard Quan at tungkol sa buhay ni Governor Edwin Jubahib ng Davao Del Norte at sa direksyon ni Francis “Jun” Posadas.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • PBBM, binisita ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City

    BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City dahil sa bahang idinulot ng habagat at bagyong Carina. Pinangunahan din ni PBBM ang pamamahagi ng suporta ng pamahalaan sa mga nasalanta.

  • Higit 700 healthcare workers kailangan para sa Metro Manila

    Mahigit 700 ang bakanteng trabaho para sa mga healthcare workers sa Metro Manila, ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega.     Ayon kay Vega, nasa 3,500 trabaho ang binuksan kamakailan sa Metro Manila, pero mayroon pa rin aniyang 22 percent na bakante.   Yung kinakailangan aniya nilang healthcare workers ay para sa […]

  • Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

    Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.     Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.     Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]