Makati City gov’t kinontra ang naging findings na mataas ang kaso ng hawaan ng COVID-19
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
KINONTRA ng lungsod ng Makati ang inilabas na findings ng ilang eksperto na mataas ang kaso ng hawaan ng coronavirus sa nasabing lungsod.
Sinabi ni Atty. Michael “Don” Camina ang tagapagsalita ng lungsod ng Makati, nagulat sila kung bakit nakasama sila sa OCTA Research Team na isa sila sa areas of concern.
Base kasi sa ulat ng Department of Health (DOH) na mababa ang kanilang attack rate.
Mayroon lamang kasi aniya sila na 6.21 na attack rate na base sa category ng DOH ay “Low Risk” ito. Hihingi aniya sila ng kopya ng research ng OCTA sa nasabing usaping.
Umaabot na kasi sa 561 na aktibong kaso sa Makati at mayroong 6,793 ang gumaling na at 284 na ang nasawi. (Ara Romero)
-
Dahil sa taglay na class at sophistication: HEART, makikipag-collab naman sa isang Italian luxury brand
MAY bagong collaboration si Heart Evangelista at ito ay ang Italian luxury brand na Fornasetti. Sa pinost na video ni Heart on Instagram, makikita siya sa Casa Fornasetti at nilagyan niya ito ng caption na: “A magical place where imagination meets design and an alluring world full of art and decor.” […]
-
Tsukii sumipa ng gold sa Cairo meet
Inangkin ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii ang gold medal matapos ungusan si Egyptian bet Areeg Rashed, 2-1, sa women’s kumite -50 kilogram division sa 2021 Karate1 Premier League sa Cairo. Isang matulis na suntok ang nailusot ni Tsukii sa natitirang anim na segundo para takasan si Rashed sa kanilang finals match. […]
-
20% NG POPULASYON NG PINAS, MABABAKUNAHAN -DOST
SINIGURO ng Department of Science and Technology (DOST) na 20% ng populasyon ng Pilipinas ang mababakunahan kontra COVID-19 sa pamamagitan ng COVAX Facility. Ayon kay DOST-Research and Development Executive Director Jayme Montoya na 3% ng bakuna ay ilalaan sa mga health workers at ang 17% ay para sa mga high risk group gaya ng […]