• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makati LGU bibigyan ng trabaho ang mga jeepney drivers sa pagbubukas ng klase

Kukunin ng city government ng Makati ang ilang mga jeepney drivers ng lungsod na hindi nakapagpasada dahil sa coronavirus pandemic.

 

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, magiging katuwang ang mga jeepney drivers sa inilunsad nilang mobile learning hub ng lungsod.

Makakasama nila ang mga guro at librarian na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral at magulang na makasabay sa blended learning.

 

Nakipag-ugnayan na ang city government sa Makati Jeepney Operators and Drivers Association (MJODA) para sa rerentahan nilang jeep.

 

Sa inisyal ay mayroon 27 jeepney drivers na kukunin na mag-iikot sa mga barangay kapag magsisimula na ang klase sa buwan ng Oktubre.

 

Sinabi naman ni Rita Riddle, ang program director ng Makati Education Department, magbabayad sila ng P2,000 kada araw sa mga jeep.

 

Maaaring umabot pa sa 100 drivers sa bawat linggo ang kanilang kukunin, depende sa rekomendasyon ng MJODA.

 

Sa pagbubukas ng klase sa Oktubre, ang mga dyip na ginawang mobile learning hubs ay mag-iikot sa mga barangay, sakay ang mga guro at librarian, pati na mga libro at iba pang learning materials at mga laptop na may internet connection.

 

Ang pangunahing pakay nito ay ang mga mag-aaral na walang gadget o anumang learning tool, at mga magulang na mahihirapang gabayan at turuan ang kanilang mga anak gamit ang self-directed learning modules.

 

Sa ngayon, nalagpasan na ng Makati ang target enrolment nito at umabot na sa halos 83,000 ang mag-aaral na nakapag-enrol sa public elementary at high schools ng lungsod. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mexican pinatulog ni Magsayo sa 10th round

    Nagpasiklab din si Pinoy champion Mark Magsayo nang angkinin nito ang matikas na 10th round knockout win kay Mexican fighter Julio Ceja kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.     Inilatag ni Magsayo ang solidong right shot na kumunekta sa panga ni Ceja para matamis na makuha ang knockout win.     “Tumutok […]

  • Itinuloy ang pag-aartista dahil sa isang pelikula: ROYCE, muntik nang mag-quit at magtrabaho na lang sa ibang bansa

    MUNTIK na palang magtrabaho sa ibang bansa si Royce Cabrera kung hindi pa dumating ang isang pelikula na magpapabago ng career niya. Ilang taon na rin daw siyang nakakontrata noon sa Star Magic ng ABS-CBN 2 pero wala raw nangyayari. Noong naka-graduate siya sa kursong BS Construction Engineering and Management from Mapúa University, naisip na niyang magtrabaho sa Singapore […]

  • Sara tinanggap ang Chairmanship ng Lakas–CMD

    Tinanggap ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang alok ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na maging chairman ng Lakas-CMD.     “I am honored to accept the Chairmanship of Lakas–CMD,” pahayag ni Sara.     Ang Lakas-CMD ay partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na President Emeritus ng Lakas habang si House Majority […]