• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makipag-ugnayan, maghanda para sa La Niña

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs) sa Maguindanao province na makipag-ugnayan at maghanda para sa La Niña phenomenon.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Maguindanao del Sur, sinabi ng Punong Ehekutibo na ang paghahanda para sa panahon ng tag-ulan ay makatutulong para mapagaan ang epekto ng pagbaha sa mga residente ng lalawigan.

 

 

”Ngayon, papalapit na tayo sa buwan ng Hunyo, inaasahan natin na huhupa na ang matinding init, ngunit mapapalitan naman ito ng matinding pag-ulan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“‘Kaya naman, inaatasan ko ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan, lalong-lalo na sa mga LGU, bilang [paghahanda] para sa darating naman na La Niña,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, ginarantiya naman ni Pangulong Marcos sa publiko na nakahanda ang gobyerno na tugunan ang posibleng epekto ng La Niña sa mga susunod na buwan.

 

 

Sinabi pa ng Chief Executive na ang long-term flood control solution ay kailangan para tugunan ang epekto ng weather phenomenon.

 

 

Ang La Niña ay isang penomenong pangkaragatan at panghimpapawid na karapatan ng El Niño bilang bahagi ng mas malawak na gawi o padron ng klimang El Niño. (Daris Jose)

Other News
  • 6 sangkot sa droga, nalambat sa Navotas buy-bust

    Anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas city.   Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 4:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]

  • 3 illegal na nangingisda sa Navotas, timbog sa Maritime police

    ARESTADO ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Navotas City, kaugnay sa All Hands Full Ahead na ikinasa ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station/Maritime Law Enforcement Team MLET BASECO.     Ayon sa inisyal na report, nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation ang mga tauhan ng MLET […]

  • Gayahin ang Senado, magpasa ng P100 wage hike bill

    HINAMON ng isang grupo ng mga manggagawa ang Kamarang maghain ng counterpart bill sa panukalang P100 minimum wage hike ng Senado, bagay na lusot na sa ikalawang pagdinig.     Miyerkules lang nang pumasa sa second reading ang Senate Bill 2534, na layong iangat ang arawang minimum na pasahod para sa mga manggagawa’t empleyado sa […]