Mala-Ondoy na baha nagpalubog sa Metro Manila, iba pang lugar
- Published on July 26, 2024
- by @peoplesbalita
NAGMISTULANG ‘water world’ ang malaking bahagi ng Metro Manila sa mala-Ondoy na malawakang pagbaha dulot ng matinding epekto ng southwest monsoon na pinalala pa ng bagyong Carina, ayon sa report na tinanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules.
Dahil dito, isinailalim na sa state of calamity ang buong Metro Manila matapos aprubahan ng Metro Manila Council ang rekomendasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ginanap na situation briefing sa Camp Aguinaldo na pinanguhan ng Pangulo, sinabi ni Abalos na makabubuting isailalim sa state of calamity ang MM upang mabigyan ang mga LGU ng access sa mga karagdagang pondo para sa pagtugon sa kalamidad, kasama na dito ang paglalatag ng price freeze sa mga basic goods.
Ayon kay Abalos, naglabas na rin ito ng mga direktiba sa mga LGU upang pabantayan ang mga sitwasyon sa ground level, tumulong sa mga evacuation. Malaking bahagi ng Metro Manila at kalapit na probinsya ang binaha.
Ayon sa ulat, maraming mga pangunahing highway at inner roads ang dumanas ng mula gutter hanggang abot baywang na lalim ng tubig baha dahil sa walang humpay na malalakas na pag-ulan simula pa nitong Martes ng gabi na tumindi hanggang umaga nitong Miyerkules.
Iniulat ang mga pagbaha sa mga lungsod ng Manila, Marikina, Quezon, Pasay, Taguig at Valenzuela. Gayundin sa Mandaluyong City at lungsod ng San Juan.
Sinabi ni Abalos na 70% ng Navotas City, 80% ng Malabon City at 60% ng Valenzuela City ay binaha dahil na rin sa nawasak na flood control.
Maraming mga pasahero ang na-stranded habang kaunti lamang ang mga bumibiyaheng sasakyan dahil hindi makakalusot sa baha at may mga tumirik at inanod ng baha. Nagdulot rin ang mga pagbaha ng pagkakabuhol-buhol ng daloy ng trapiko sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Magugunita na ang bagyong Ondoy ay naminsala sa malaking bahagi ng bansa dahil sa idinulot na malakas na ulan na kumitil ng buhay ng 710 katao, 439 missing habang nasa P6.2 bilyon ang iniwang pinsala noong Setyembre 2009. (Daris Jose)
-
‘Nangyayari ngayon sa Ukraine isang ‘senseless massacre’ – Pope Francis
TINAWAG na “senseless massacre” ni Pope Francis ang kaguluhang nagaganap ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ipinahayag ito ng santo papa sa kanyang address at blessing sa St. Peter’s Square kasabay nang paghikayat sa mga pinuno ng international community na lubos na gumawa ng paraan upang pigilan ang kasuklam-suklam na digmaan sa […]
-
Ads October 19, 2022
-
Senador inaaral ang dagdag sweldo kasunod ng P33k minimum wage calls sa gov’t workers
PANAHON na raw upang i-review ang posibilidad ng dagdag sweldo para sa mga kawani ng gobyerno ayon kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, ito habang nananawagan ng umento ang mga manggagawa dahil sa nagtataasang presyo ng bilihin. Natataon ang pahayag ni Revilla sa pagtungtong ng inflation rate sa 7.7% nitong Oktubre 2022, ang pinakamabilis […]