Malabon, binahagi sa Germany conference ang mga estratehiya ng LGU para mapabuti ang paghahatid ng serbisyo
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
SI MALABON City Administrator Dr. Alexander Rosete na nagsilbi bilang speaker sa Executive Program in International Relations and Good Governance: Constructing World conference at Karlshochschule International University sa Karlsruhe, Germany ay ibinahagi sa mga lider ng industriya ang mga estratehiya ng Pamahalaang Lungsod kung paano mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga residente tungo sa mas magandang kinabukasan ng lungsod.
“The City of Malabon demonstrates a solid commitment to improving the lives of its residents through comprehensive public service delivery, health and education initiatives, community engagement, and sustainable development. By focusing on the needs of Malabueños, the city government strives to create a thriving, resilient, and empowered community that can confidently face current and future challenges,” ani Dr. Rosete.
Ang kaganapan, na pinangunahan ng Syntax Savvy Sprachen, isang language consultancy company sa Germany na nag-aalok ng mga komprehensibong serbisyo sa language certification, consultation, cultural education, at leadership ay naglalayong ikonekta ang mga lider ng industriya upang harapin ang iba’t ibang mga paksa tungkol sa pamumuno at makakuha ng mga insight, palakasin ang international relations, at palawakin ang kanilang network.
Sa kanyang presentation, ibinida ni city administrator na ang Malabon LGU sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval ay nagpapatupad ng mga sistema tulad ng one-stop-shop at online portal upang gawing mas accessible, episyente, at nakatuon sa customer, at transparent ang services/processes. Hindi na kailangan maghintay sa mahabang pila ang mga residente dahil pinapabilis nito ang pagproseso sa pagbabayad ng buwis at business renewal gamit ang kanilang mobile devices, at naiiwasan ang katiwalian.
Ibinahagi rin niya ang tungkol sa pagpapatupad ng Malabon Ahon Blue Card, isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Jeannie, na nagbibigay ng tulong pinansyal at medikal sa mga mahihirap na residente, partikular na ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at iba pang marginalized sectors.
Sinabi rin ni Dr. Rosete na ang pamahalaang lungsod ay nagsasagawa ng Walang Tulugan Serbisyo Caravan, isang makabagong community outreach program na direktang naghahatid ng mahahalagang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng lungsod, lalo na sa mga liblib na lugar na kulang sa serbisyo.
Para sa disaster at emergency response at kaligtasan ng publiko, sinabi niya na nakatutok ang lungsod sa mga programang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) na naghahanda sa mga opisyal at residente ng barangay sa panahon ng kalamidad para sa kaligtasan ng mga residente.
Dagdag niya, ang lokal na pamahalaan ay nagsasagawa ng mga pampublikong konsultasyon at mga pagpupulong sa barangay upang hikayatin ang mga residente sa paggawa ng desisyon at makipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon at pribadong sector. Ginagamit din aniya ng LGU ang social media upang epektibong makipag-usap sa mga residente.
Aniya, naglunsad din ang lungsod ng iba’t ibang programa para sa social welfare, livelihood, employment, skills development, housing, health, at education para makapagbigay ng mas magandang serbisyo para sa mga Malabueño. (Richard Mesa)
-
Implementasyon ng 0.75 meter na distancing suspendido
Pansamantalang sinuspinde ang implementasyon ng 0.75 meter na distancing sa mga pampublikong transportasyon at ibabalik ito sa sa one meter. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos itong ianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Nakatakda namang magdesisyon […]
-
Nanawagan sa mga magdiriwang ng Chinese New year na mahigpit na sundin ang mga health protocols
NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga magdiriwang ng Chinese New Year ngayong darating na February 12. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan naman ng gobyerno ang pagdiriwang ng Chinese New Year subalit kailangan na kaakibat nito ang mariing pagsunod sa mga health protocols tulad ng mask, hugas, iwas upang hindi kumalat ang Covid […]
-
Ads June 21, 2023