Implementasyon ng 0.75 meter na distancing suspendido
- Published on September 19, 2020
- by @peoplesbalita
Pansamantalang sinuspinde ang implementasyon ng 0.75 meter na distancing sa mga pampublikong transportasyon at ibabalik ito sa sa one meter.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos itong ianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Nakatakda namang magdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usaping ito sa susunod na linggo.
Sa ilalim ng bagong protocol na ipinalabas ng Department of Transportation noong nakaraang linggo, ang kasalukuyang one-meter distance ay magiging 0.75 meters simula Setyembre 14.
Maaari itong mabawasan ng hanggang 0.5 meters matapos ang dalawang linggo at 0.3 meters matapos ang susunod pang dalawang linggo.
Sa ulat, isang grupo ng mga healthcare workers ang umapela sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) para ibasura ang panuntunan ng Department of Transportation (DOTr) na bawasan ang isang metrong physical distancing sa mga pampasaherong sasakyan.
Nag-aalala ang grupong Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na dahil sa pagbabago sa panuntunan sa physical distancing ay lalong tataas ang mga dadapuan ng virus at tuluyan nang hindi makakarekober ang bansa.
Sinabi ni Dr. Carmela Kasala, opisyal ng HPAAC, na sa pagpapaluwag ng physical distancing, maaaring isipin din ng publiko na pawala na ang virus na puwedeng mapunta sa kawalang disiplina.
Iginiit niya na ang droplets buhat sa pagsasalita, paghatsing at pag-ubo lalo na kung hindi mapigilan ay maaaring kumalat sa hangin at maipasa ng mas mabilis lalo na kung dikit-dikit.
Sa katwiran ng DOTr na mahigpit naman ang tagubilin na palagiang magsuot ang mga pasahero ng face mask at face shield, sinabi ng grupo na hindi tiyak ang proteksyong maibibigay ng mga ito at magiging mabisa lamang kung may angkop na physical distancing. (Daris Jose)
-
PH Carlo Paalam sigurado na ang bronze medal matapos manalo by points vs Uzbek fighter
Sigurado na ang bronze medal para sa Pinoy boxer na si Carlo Paalam matapos na manalo via points kontra sa 2016 Rio Olympics defending champion Shakhobidin Zoirov ng Uzbekistan. Dahil dito pasok na sa semifinals si Paalam sa men’s flyweight class (48-52kg). Noong una sa first round ay medyo nahirapan pa […]
-
Reunion movie nina JOHN LLOYD at BEA, matutuloy sa taong ito
LAST Wednesday, January 27, sa isang virtual conference, ibinahagi ni Direk Olivia Lamasan, Managing director ng ABS-CBN Films, na tuloy na ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. “Right now, tuloy pa rin ang creative development under Carmi Raymundo,” ayon kay Direk Olive. “Tuluy-tuloy na ito, at this […]
-
IVANA, kung anu-anong raket ang pinasok para makatulong sa pamilya; nari-reject noon dahil ‘pangit’ siya
SA latest vlog ng sexy actress at YouTube star na si Ivana Alawi, inamin niya na kung anu-anong raket ang pinasok niya para lang mapangatawanan ang pagiging breadwinner ng pamilya. Kasama niya sa vlog ang mga kapatid na sina Hash Alawi at Mona Louise Rey, sersoyo nga nilang pinag-usapan ang pagiging breadwinner ng […]