• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon, ginawaran ng Gawad Kalasag Seal

NAKATANGGAP ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng Gawad Kalasaf Seal of Excellence mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

 

Personal na tinanggap ni Mayor Jeannie Sandoval ang award, kasama si Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office Officer-in-Charge Roderick Tongol sa ginanap na 24th Gawad KALASAG National Awarding Ceremony na ginanap sa Manila Prince Hotel, sa Lungsod ng Maynila.

 

 

Ayon kay Mayor Jeannie, ito ay para sa mga inisyatiba ng pamahalaang lungsod para sa kaligtasan ng mga Malabueño tuwing may kalamidad.

 

 

Dagdad niya, nakamit ng pamahalaang lungsod ang “Beyond Compliant” na siyang nagpapatunay ng dedikasyon nito sa pagpapabuti ng mga operasyon, plano, at programa, para sa katatagan at kaayusan sa panahon ng bagyo at iba pang sakuna.

 

 

“Congratulations, Malabon! Makakaasa po kayo na magpagiigihan pa natin ang pagpapatupad ng mga programa para sa mahal nating Malabueño,” pagbati niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Marko Zaror To Join The Cast Of ‘John Wick 4’ As A New Foe For Keanu Reeves

    THE Chilean actor Marko Zaror is in talks to join the cast of Lionsgate’s John Wick 4, according to the report.     He joins a star-studded ensemble, including Keanu Reeves as John Wick, martial arts legend Donnie Yen, Rina Sawayama, Scott Adkins, Lance Reddick, and Shamier Anderson, as well as Laurence Fishburne.     Zaror is best known for his work in the […]

  • State funeral para kay Queen Elizabeth II, gaganapin sa September 19

    NAKATAKDANG  isagawa ang state funeral para kay yumaong Queen Elizabeth II sa Setyembre 19 na gaganapin naman sa Westminster Abbey sa London, pasado alas-11:00 umaga, oras sa United Kingdom.     Batay ito sa naging anunsyo ng Buckingham Palace kasabay ng pagkumpirma na dadalhin sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ang mga labi ng […]

  • DOH: ‘2021 pa posibleng isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas’

    AMINADO ang Department of Health (DOH) na hindi malabong ibaba na sa antas ng modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas sa unang quarter ng 2021 kung matagumpay na maaabot ng local government units ang mga itinakdang batayan ng mga eksperto.   Ayon kay Health spokesperson Maria Rosario Vergeire, may itinakda silang “gatekeeping indicators” […]