• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon LGU, PRC nagkaisa sa pagpapatupad ng insurance coverage program para sa mga empleyado

NAKIPAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Philippine Red Cross (PRC) upang ipatupad ang Membership Accident Assistance Benefits (MAAB) Program para sa mga empleyado at miyembro ng iba pang sektor sa lungsod.

Pormal na nilagdaan ni Mayor Jeannie Sandoval ang memorandum of agreement na naglulunsad ng programa, kasama sina PRC Secretary General Dr. Gwendolyn Pang, PRC-Malabon Chapter Chairman Ricky Sandoval, City Administrator Dr. Alexander T. Rosete, PRC-Malabon Fund Generation Committee Chairperson Ms. Flerida Marcelo, at PRC-Malabon Officer-in-Charge Marcelo.

“Sinisikap po ng ating lokal na pamahalaan na bawat isa sa atin ay magkaroon ng seguridad at kasiguruhan sa kanilang kalusugan at kaligtasan ano man ang panahon. Kaya ikinagagalak ko po ang ating pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross para sa isang napakahalaga at napakagandang programang ipatutupad sa ating lungsod. Ngayon, mas mapapabuti pa natin ang mga serbisyong pangkalusugan hindi lang para sa mga regular na mga empleyado ng lungsod, kundi sa lahat ng mga kawani at mga sektor sa ating lipunan na may mahahalagang ambag sa ating pag-unlad,” ani Mayor Jeannie.

Ang MAAB Program ay naglalayong mag-enroll ng mahigit 3,000 kaswal at kontraktwal na empleyado, job order employees, aktibong miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association (JODA), miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), miyembro ng ETRIKE Association, at aktibong Rescue and Fire Volunteer Groups sa Malabon, lahat ay nasa ilalim ng komprehensibong insurance coverage. Kasama sa saklaw ng proteksyon ang accidental death, disablement, dismemberment, daily allowance sa ospital sakaling magkasakit at burial assistance.

Ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng identification card, na maaari nilang iharap sa PRC para sa kanilang insurance coverage.

Ang lokal na pamahalaan ay patuloy na makikipagtulungan sa PRC, lalo na sa pag-oorganisa ng mga pagsasanay, blood donation drive, at iba pang serbisyo para sa kapakinabangan ng mga Malabueno sa oras ng pangangailangan.

“Sa paraang ito, mas maipapadama natin sa ating kapwa Malabueno na tayo ay handang tumulong at umalalay sa panahon na kinakailangan nila, katuwang ang Philippine Red Cross. Ang paglada ng kasunduang ito ay isang simbolo ng pagtutulungan para sa pagpapabuti ng mga programang pangkalusugan at kaligtasan. Makakaasa kayo na patuloy ang pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Mayor Jeannie, sa pagsasagawa ng mga programa na nagbibigay prayoridad sa bawat indibidwal para sa kanilang kinabukasan,”. Pahayag ni City Administrator Dr. Alexander T. Rosete. (Richard Mesa)

Other News
  • Pag-angkat ng sibuyas, aprub na – DA

    TULOY na ang pag-aangkat ng Pilipinas ng sibuyas.     Ito ang sinabi ni Agriculture spokesman Rex Estoperez makaraang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang importasyon ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas.     Sinabi ni Estoperez na nilagdaan na ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang importasyon ng fresh yellow and red onion. […]

  • DOH: Bagong COVID-19 cases sa PH, 3,564; total count, 342,816

    AABOT sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID- 19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH).   Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816.   Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.   Mula sa mga bagong kaso […]

  • CANNIBAL LOVE STORY “BONES AND ALL” GETS R-16 RATING, TO BE SHOWN WITH NO CUTS

    AFTER playing to sold-out capacity crowds during the QCinema Film Festival, the controversial film “Bones and All” — a story of tender love and cannibalism — now showingnationwi with a favorable R-16 rating from the Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB). [Watch the featurette “Bones and All: A Look Inside” at https://youtu.be/PUJ9kccG6BA] The MTRCB […]