• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon, may bagong ‘Lab for All’ medical van

ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang blessing at ceremonial turnover ng bagong ‘Lab for All’ medical van, sa pangakong mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga Malabueño,

 

 

Ang pagpapasinaya ng Lab for All medical van ay pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama sina William Vincent “Vinny” Marcos, anak ng Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,, City Administrator Alex Rosete, Newport World Resorts Foundation Executive Director and Trustee Atty. Walter Mactal at Ospital ng Malabon Chief Dr. Jennifer Amolo.

 

Ang Lab for All na pangunahing programa ng Unang Ginang ay ibinahagi sa Malabon sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts upang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan sa bawa’t komunidad, lalo na ang mga maralita, sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal, laboratory, konsultasyon at mga gamot para sa lahat ng nangangailangan.

 

Ang 22-talampakang medical van kinapapalooban ng iba’t-ibang gamit pang-medikal kabilang ang Hematology analyzer para sa kumpletong blood count ng CBC, Chemistry analyzer o blood chemistry test, x-ray, ultrasound at electrocardiogram (ECG) machines.

 

Sinabi ni Mayor Jeannie na karagdagang tulong sa kanilang programang pangkalusugan at kagalingan ang medical van lalu’t mga de-kalidad ng serbisyo ang ibabahagi nito sa Malabueños.

 

“Ang LAB for All Medical van ay malaking tulong para sa mga Malabueño dahil nailalapit nito ang mga serbisyong medikal sa lahat, lalo na sa mga higit na nangangailangan. Sa susunod ay makikita niyo na ang van na ito na umiikot sa ating lungsod upang makatulong sa inyo. Makakaasa kayo na mas marami pang serbisyong pangkalusugan ang ating gagawin upang masigurong malusog ang Malabueñp tungo sa progreso at pag-unlad,” ani alkalde. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagpasok ng Pfizer sa Hulyo, hindi garantiya na makaka-avail ang lahat – Malakanyang

    NGAYON pa lamang ay sinasabi na ng Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok na sa Hulyo ang bakuna sa COVID ng Pfizer sa bansa ay puwede nang maging available ito sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand. Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging reaksiyon ng ilang sektor sa […]

  • Ads January 18, 2021

  • Well-funded troll campaign na suportado ng drug syndicates, POGOs para i-derail ang Quad Comm probe

    KINONDENA ng lead chair ng House Quad Committee ang lumilitaw na well-funded at nagkakaisang o orchestrated troll campaign na umano’y pinopondohan ng illegal drug syndicates at Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para papanghinain ang ginagawa nitong imbestigasyon.     Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang naturang kampanya na naglalayong siraan ang […]