• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpasok ng Pfizer sa Hulyo, hindi garantiya na makaka-avail ang lahat – Malakanyang

NGAYON pa lamang ay sinasabi na ng Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok na sa Hulyo ang bakuna sa COVID ng Pfizer sa bansa ay puwede nang maging available ito sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand.

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging reaksiyon ng ilang sektor sa kanyang naging pahayag na huwag nang maging pihikan pa sa pagpili ng bakuna.

Aniya, bagama’t posibleng maging available na ang Pfizer sa July, hindi pa rin lahat ay puwedeng piliin ang naturang brand gayung hindi aniya ito magagamit sa mga probinsiya dahil sa kakulangan sa pasilidad.

Negative 70 aniya ang kailangang temperatura nito at tanging Maynila, Cebu at Davao  lamang umano ang mayroong mga cold storage facilities kung saan maaaring iimbak ang vaccine ng Pfizer.

Aniya, ganito ang sitwasyong hinaharap ngunit kung ang pag- uusapan ay kasalukuyang senaryo, sadya aniyang wala tayong choice o alternatibo dahil Sinovac lang ang paparating simula Pebrero hanggang buwan ng Hunyo.

“Well, uulitin ko po ano: Simula Pebrero hanggang Hunyo, wala po tayong alternatibo dahil parang iisa lang po ang darating na bakuna.

 

Pagdating po ng July, eh marami na pong papasok ‘no. Pero hindi naman po lahat iyan eh puwedeng piliin ng ating mga kababayan dahil iyong Pfizer po kinakailangan ng negative 70 ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

“Ibig sabihin po, para lang  iyan sa Maynila, Cebu, Davao  na mayroong mga cold storage facilities, hindi po talaga magagamit iyan sa sa mga probinsiya dahil wala tayong mga facilities,” dagdag na pahayag nito.

At gaya aniya ng sinabi nina Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Professor Emeritus sa College of Medicine-UP-Manila Dr. Lulu Bravo na ang ahat ng bakuna na pumasa sa FDA ay “proven safe and proven effective.”

“So, hindi na po importante kung ano iyong brand. Pero uulitin ko po, wala na pong pilitan, kung ayaw talaga, okay lang po iyan, mawawala lang ang prayoridad kung sila po ay kabahagi ng priority population at pipila po sila sa huli,” giit ni Sec. Roque.

Samantala, ang NCR, CAR at Davao Region ay ilan lamang aniya sa mga mauunang lugar kung saan ikakasa ang pagbabakuna.

Other News
  • Mekaniko kalaboso sa motornaper

    ARESTADO ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block […]

  • ORIGINAL ANIME SERIES RESIDENT EVIL: INFINITE DARKNESS, COMING TO NETFLIX IN 2021

    KNOWN as the gold standard of survival horror games with over 100 million units from the game series shipped worldwide, “Resident Evil” has now been transformed into a Netflix original CG anime series.   This series is scheduled for a global launch in 2021 exclusively on Netflix. Three years after 2017’s CG film “Resident Evil: […]

  • Donaire hindi daw makakalaban si Gaballo

    Binigyang linaw ni Nonito Doinare Sr., Ama ni dating Bantamweight world champion Nonito “the Filipino Flash” Donaire Jr. ang kaugnay sa posibleng paghaharap ni GenSan boxer Reymart Gaballo at ng anak nitong si Nonito Doinare Jr.   Ito ay matapos isuko ni Naoya Inoue ang kanyang bantamweight belts.   Dagdag pa ni Donaire Sr. na […]