• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon, nakahanda sa bagyong “Nika”

NAKAHANDA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa posibleng banta na dala ng Tropical Storm “Nika” at sa iba pang kalamidad, kasabay ng pagtanggap nito ng mga bagong rescue boats mula sa Mang Ondoy Rescue Hub.

 

Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval at Konsehal Edward Nolasco ang pagtanggap ng 21 rescue boats, kabilang rito ang isang malaking “OndoyBoat” rubber boat at 20 na maliliit na bangka na may kasamang 50 sagwan.

 

Ayon kay Mayor Jeannie, malaking tulong ang mga rescue boats na ito para magamit sa mga operasyon tuwing may kalamidad upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Malabueño.

 

Nagpasalamat naman si Mayor Jeannie kina Mr. Aaron Sy at Mr. Stephen Dizon ng Mang Ondoy Rescue Hub sa pagbibigay ng karagadagang kagamitan na siguradong makakatulong sa disaster and emergency response ng pamahalaang lungsod.

 

Nabatid na nasa signal No. 1 ang Metro Manila, kabilang ang Lungsod ng Malabon. (Richard Mesa)

Other News
  • Pamilya ni ANNE, enjoy kahit sobrang lamig sa Finland at tila wala pang balak na bumalik

    TILA wala pang balak na bumalik ng Pilipinas ang pamilya ni Anne Curtis dahil mula sa France ay nasa Finland na sila ngayon.   At parang hindi apektado si Anne, ang mister niyang si Erwan Heussaff at anak na si Dahlia sa freezing temperature sa Lappi, Finland dahil feeling Christmas vacation pa rin sila.   […]

  • Ads February 4, 2020

  • Pinoy jins hahataw sa Vietnam

    NAKATAKDANG  umalis ngayong araw ang Smart/MVP Sports Foundation taekwondo squad upang magpartisipa sa 2022 ATF (Asean Taekwondo Fe­deration) Taekwondo Championships na hahataw mula Marso 30 hanggang Abril 4 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.     Binubuo ang koponan ng 10 atleta sa kyorugi (free sparring) at lima sa poomsae.     Magsisilbing delegation head […]