• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon, nakuha ang nod ng COA para sa epektibong paggamit ng pondo

NANGAKO si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval na ipagpapatuloy at pagbutihin ang malinaw at mahusay na paggamit ng pampublikong pondo sa pagpapatupad ng mga programa para sa pangangailangan ng mga residente matapos itong makatanggap ng “Qualified Opinion” sa Taunang Audit Report ng Commission on Audits (COA) para sa Annual Audit Report for the Calendar Year 2023.

 

 

 

 

“Ito ay patunay ng patuloy na pagbibigay ng tapat na serbisyo ng pamahalaang lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval para sa ating mga mahal na Malabueño. Ang qualified opinion na sa atin ay ibinigay ng COA ay sumisimbulo sa ating pagkakaisa at pagtutulungan na masigurong ang ating mga programa ay naaayon sa pangangailangan ng mga mamamayan tungo sa pag-ahon ng ating lungsod,” ani City Administrator Dr. Alexander Rosete.

 

 

 

 

“Sisiguruhin po natin ang tama, maayos, at tapat na pamamahala ng pondo ng pamahalaang lungsod na nakalaan para mismo sa ating mga residente. Makakaasa po kayo na ating ipagpapatuloy at mas pagbubutihin pa ang pagbuo ng mga programa na tutulong upang mas mapabuti ang buhay ng bawat Malabueño,” dagdag niya.

 

 

 

 

Ito ay matapos ang ginawang audit ng COA, sa pangunguna ni COA NCR-LGAS Regional Director Atty. Maria Carmina Paulita B. Jugulion Pagawayan, kung saan pinuri ang lokal na pamahalaan sa paggamit nito ng mga pondo na sumusunod sa pinakamataas na pamantayan ng pananagutan at transparency sa paghahatid ng serbisyo

 

 

 

 

Sinabi ng COA na ang auditor na nagsagawa ng taunang pag-audit ay nagbigay ng kuwalipikadong opinyon sa pamahalaan ng Lungsod ng Malabon “on the fairness of the presentation of the City’s financial statements in view of the significance of the exceptions noted in the audit as stated in the Independent Auditor’s Report.”

 

 

 

 

Alinsunod sa layunin ni Mayor Jeannie na mapabuti ang kalidad ng pamumuhay sa Malabon, ang lokal na pamahalaan ay nagpatupad ng mga programa at proyekto tulad ng Malabon Ahon Blue Card at mga inisyatiba sa pabahay para mas madaling maabot ng mga Malabueño ang paghahatid ng serbisyo.

 

 

 

 

Nitong Mayo 28, namahagi ang lokal na pamahalaan ng 83,891 Malabon Ahon Blue Cards (MABC) sa mga padre de pamilya sa lungsod haban nasa 516 na pamilya na dating nakatira mapanganib na lugar ang inilipat sa St. Gregory Homes, isang in-city housing project na naglalayong magbigay ng kalidad at ligtas na mga tahanan sa mga residente.

 

 

 

 

Noong Mayo, hinirang si Mayor Jeannie bilang top performing mayor sa NCR ng RP Mission and Development Foundation Inc. matapos siyang makakuha ng 88.7 percent job performance rating sa “Boses ng Bayan” survey na isinagawa mula Marso 18-24, 2024.

 

 

 

 

Natanggap din ng lokal na pamahalaan ang Seal of Good Local Governance mula sa DILG noong 2023.

 

 

 

 

Noong 2023, nakatanggap din si Mayor Jeannie ng certificate of recommendation mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Enero 2023, pinuri ng ARTA ang Malabon bilang ika-13 na LGU na sumusunod sa eBOSS sa pagkakaroon ng Business One Stop Shop na ginagawa upang mas mabilis ang proseso ng negosyo. (Richard Mesa)

Other News
  • Pope Francis nanawagan ng ceasefire sa nangyayaring gyera sa Hamas-Israel

    MULING  nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na wakasan na ang labanan ng Hamas-Israel, hinihimok ng Santo Papa na palayain na ang mga hostage at payagan na ang huminatarian aid para sa Gaza. Ayon kay Pope Francis matapos ang traditional Angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Rome, patuloy niyang iniisip ang seryosong sitwasyon ngayon […]

  • ‘Di pa hinog comment vs Sotto, pinalagan

    HINDI nagustuhan ni 6x PBA champion Ali Peek ang tila panlalait ng ESPN draft expert na si Jonathan Givony sa Filipino NBA prospect na si Kai Sotto.   Nagtengang kawali naman si Ali at sa sobrang pagkairita ay ‘di nito napigilang mag-react sa social media. @mtnpeek: “What reality check? This is his first time right? […]

  • Jolo town nasa ‘total lockdown’ dahil sa twin blasts – mayor

    Iniutos ngayon ng alkalde ng bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu ang pagsasailalim sa kanilang lugar sa total lockdown.   Ang hakbang ni Mayor Kerkhar Tan ay matapos ang magkasunod na madugong pambobomba sa downtown area na ikinamatay ng 13 katao kasama na ang suicide bomber.   Liban nito, halos 80 na ang mga […]