Jolo town nasa ‘total lockdown’ dahil sa twin blasts – mayor
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
Iniutos ngayon ng alkalde ng bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu ang pagsasailalim sa kanilang lugar sa total lockdown.
Ang hakbang ni Mayor Kerkhar Tan ay matapos ang magkasunod na madugong pambobomba sa downtown area na ikinamatay ng 13 katao kasama na ang suicide bomber.
Liban nito, halos 80 na ang mga sugatan kung saan 18 sa mga ito ay mga sundalo.
Batay sa direktiba ng mayor, pansamantala munang isasara sa mga residente ang mga entry at exits points o walang papayagang makalabas at makakapasok sa kanilang bayan.
Ito ay liban lamang kung may mga sapat na dahilan o special cases.
Binigyang diin pa ni Mayor Tan, hindi nila aalisin ang total lockdown hangga’t hindi matatapos ang imbestigasyon.
“Cancellation of entry and exit to and from Jolo shall be strictly enforced except on some special cases. Lockdown will be lifted until the investigation is finished,” ani Mayor Tan sa kanyang advisory. (Ara Romero)
-
Mapapanood na rin sa YouTube ang ‘My Plantito’: TikTok series nina KYCH at MICHAEL, mahigit 29.5 million views na
HABANG lalong nakakamit ng My Plantito ng Puregold Channel ang pagkilala dahil sa mahusay na pagpapakita nito ng kuwentong boy-love, pamilyang Pilipino, at pakikipagkaibigan, mapapanood na ang serye ng retailtainment pioneer sa YouTube ngayon na may English subtitles. Tampok si Kych Minemoto bilang nangangarap na vlogger na si Charlie, at si Michael Ver bilang gwapong kapitbahay at plantito […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DOJ na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga bilanggo na kuwalipikado sa parole
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy lamang ang pagpapalaya ng mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), na kuwalipikado sa parole. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang nasabing kautusan ay ginawa ng Pangulo sa Cabinet meeting sa Malakanyang, araw ng Martes. Sa […]
-
Hopkins pinayuhan ang mga retiradong boksingero na magpahinga na
Pinayuhan ni dating boxing champion Bernard Hopkins ang kapwa niyang mga retiradong boksingero na huwag ng bumalik pa sa boxing ring. Sinabi ng 51-anyos na boksingero na mahihirapan na ang mga ito na maghanap pa ng mga makakalaban. Pagtatawanan na lamang ang mga ito dahil sa mabagal na paggalaw at mahinang pagsuntok dahil […]