• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malacanang labas sa mungkahing ipagpaliban ang 2022 polls – Arroyo

NILINAW ni House Deputy Majority Leader Mikey Arroyo na walang kinalaman ang Malacanang sa kanyang mungkahi sa Comelec na irekonsidera na ipagpapaliban ng halalan sa 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Arroyo na hindi niya nakausap ang ehekutibo, maging si Speaker Alan Peter Cayetano, patungkol sa rekomendasyon niyang ito.

 

Iginiit ng kongresista na nais lamang niyang mapaghandaan ng Comelec ang worst-case scenario lalo pa kung pagsapit ng Mayo 2022 ay banta pa rin ang COVID-19 dahil wala pa ring bakuna laban dito.

 

Nauna nang pinuna ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang naging statement ni Arroyo sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa 2021 budget ng Comelec.

 

Ayon kay Locsin, treason at labag sa demokrasya ang pagpapaliban sa halalan.

 

Pero binigyan diin ni Arroyo na hindi niya hangad na gumawa nang paglabag sa anumang umiiral na batas o palawigin ang termino ng mga nakaupong opisyal ng pamahalaan.

Other News
  • P1,500 dagdag sa senior citizens aprubado na sa Kamara

    SINABI ni Malabon City Rep. Josephine Veronique ‘Jaye” Lacson-Noel matapos niyang mag file ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reelection na aprubado na sa mababang kapulungan ang kanyang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na P1,500 para sa seniors citizens sa bansa.     “Aside from several bills that have become law that […]

  • Ads October 14, 2021

  • State of calamity sa COVID-19, palawigin – DOH

    KAILANGANG mapalawig ang state of calamity sa COVID-19 para maipagpatuloy ang pandemic response sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hihingi sila ng extension ng state of calamity ng hindi bababa sa isa o dalawang buwan, kung hindi maisasabatas ang Center for Disease Control […]