Malacanang: P3 billion nakalaan sa fuel subsides
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malacanang na may nakalaan na P3 billion ang pamahalaan para sa fuel subsidies at discounts sa industriya ng transportasyon upang mabigya ng relief ang maaapektuhan ng pagtaas ng langis at krudo.
“Under the GAA or the General Appropriations Act, P2.5 billion is appropriated and to be used to provide financial assistance and fuel vouchers to qualified public utility vehicles, taxi, tricycle, full-time ride -hailing delivery service drivers nationwide as identified and validated by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB),” wika ni presidential spokesman Karlo Nograles.
Ang nasabing pondo ay nakalagay sa budget ng Department of Transportation (DOTr) kung saan ito ay may P2.5 billion na alokasyon para sa programa ng fuel subsidy.
Ang programa sa fuel subsidy ay ipamamahagi lamang kung ang average Dubai crude oil price based sa Mean of Platts Singpore ay pumalo at lumagpas sa $80 kada barrel sa loob ng tatlong (3) buwan.
“There are conditions set before the subsidy is triggered. But apart from that, before it (oil price hike) happened, various mechanisms that will help those who are severely affected were already being discussed,” dagdag ni Nograles.
Ang pagpapatupad ng program sa fuel subsidy ay sasailalim sa mga guidelines na ibibigay ng transportation, energy at budget departments ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pagtaas ng presyo ng krudo at gasoline ay inaasahang tatagal hanggang May 2022.
Ayon naman sa mga advisories ng mga major oil firms, ang presyo ng gasoline ay nakatalagang tumaas ng P1.20 kada litro, P1.05 sa diesel at P0.65 ang kerosene.
Sa kabilang dako, ang Laban Konsumer Inc. (LKI) ay nagsabing ang pamahalaan ay dapat gumagawa ng mga rekomendasyon upang magkaron ng cushion sa inflationary impact ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
“We call on the government to remain vigilant despite the lower inflation in January and implement measures such as temporary reduction of taxes on fuel products and approve contracts to mitigate the impact of consumer prices of higher fuel and power prices in the coming months,” sabi ni LKI president Victorio Dimagiba.
Ilan sa mga measures na kanilang inimungkahi ay ang pagbabalik ng oil price stabilization fund, ang pagsasaayos ng industriya ng langis, pagtutulak ng paggamit ng electric vehicles at suspension ng value added at excise taxes sa langis. LASACMAR
-
Ni-raid na condo sa Maynila, ‘Mother of all POGO hubs’-PAOCC
ITINUTURING ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) na “Mother of all POGO hubs” ang sinalakay na 40 palapag na condominium kamakailan sa Adriatico, Maynila kasabay ng pahayag na hindi sila titigil sa kanilang operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Ayon sa PAOCC, ang naturang condominium ay naging “taguan” ng ilegal […]
-
No. 5 most wanted person ng Valenzuela, nalambat sa Laguna
HINDI na nagtagal sa pagtatago ang isang binata na nakatala bilang No. 5 most wanted sa Valenzuela City matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Cabuyao, Laguna, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Chirre Gard David alyas Jay R Roxas […]
-
GARDO, pansin din ang malamyang paghanap ng gobyerno sa Covid-19; pabor sa muling pagbubukas ng mga sinehan
WE are sure na hindi lang kaming dalawa ni Gardo Versoza ang nakapapansin sa malamyang pagharap ng gobyernong Duterte sa problema ng Covid-19 virus. Sa presscon ng Ayuda Babes, kung saan gumaganap si Gardo bilang isang beki, tinanong ang dating sexy actor mula sa Seko Films kung ano ang masasabi niya sa naudlot […]