Malacañang pinakakansela na ang passport ni ex-Bamban Mayor Alice Guo
- Published on August 22, 2024
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Office of the Executive Secretary na nakalabas na ng Pilipinas si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, nakasaad dito na lumipad na si Guo patungong Malaysia, saka nag tungo sa pamilya nito sa Singapore at bumyahe patungong Indonesia, kung saan tumutugma sa unang impormasyon na inilabas ni Senator Risa Hontiveros.
Dahil dito inatasan ni Bersamin ang Department of Foreign Affairs at ang Department of Justice na kanselahin na ang pasaporte ni Alice Guo o Guo Hua Ping.
Kasama rin sa pinakakansela ang pasaporte ng kanyang pamilya, partikular sina Wesley at Sheila Guo at Katherine Cassandra Ong.
Nabatid na meron nang inilabas ang Senado na arrest warrant laban kay Guo at sa kanyang pamilya, at pinapa-cite in contempt na rin ito ng House of Representative dahil sa bigong pagdalo sa hearing.
Maliban pa ito sa kasong criminal na isinampa sa kanya dahil sa qualified trafficking at iba pang kaso na may kinalaman sa POGO. (Daris Jose)
-
3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho […]
-
Bianca, gustong i-feature ang ‘journey’ ni Vhong: Success story ni MADAM LYN, sobrang nakaka-inspire
WINNER na winner ang grand launch ng TOP SHELF Magazine na ginanap sa Quezon 2 & 3 function rooms ng Seda Vertis North sa Quezon City noong Linggo, Abril 2. Proud na proud ang newest business and lifestyle magazine sa pagpi-feature nang nakaka-inspire na TOP entreprenuers at professionals na pina-publish ng Velvet Media Inc. […]
-
Malalad pumalag sa village administrator
PINALAGAN ni three-time Southeast Asian Games women’s karate gold medalist Gretchen Malalad ang namamahala tahanan niya sa Makati City nang pinigilan ang mga pagpapakain niya sa mga inabandonang pusa. “The admin of Dasmariñas Village Makati is preventing me to feed cats that were abandoned by residents. I have been looking out for them for […]