• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA HEALTH PROFESSIONALS, PUWEDE ULIT MAGTRABAHO SA IBANG BANSA

PUWEDE nang makaalis patungong ibang bansa ang mga health professionals na kumpleto na ang mga papeles “as of August 31.”

 

Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque na pumayag na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makaalis ng bansa ang mga medical professionals matapos ang pansamantalang travel ban na ipinatupad.

 

Ani Sec.Roque, sa hanay pa lamang ng mga nurses ay posibleng nasa 1,500 na ang maaaring muling makabalik ng kanilang trabaho sa iba’t ibang mga bansa.

 

Matatandaang, ilang mga apela na ang ipinarating nang mga grupo ng medical workers sa Pangulo na alisin na ang temporary ban.

 

Bagama’t pansamantala lang aniya ang pagbabawal na muli silang makapag- trabaho abroad ay maaaring mawala sa kanila ang oportunidad ng habang buhay dahil sa inimplementang travel ban.

 

Ang pasya ng Chief Executive ay batay na din sa una ng board resolution ng POEA na isinumite sa IATF upang mapayagan na din sana ang mga health workers na kumpleto na ang kanilang dokumento hindi lang “as March 8” kundi hanggang “August 31” na. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 27, 2021

  • Ginamit na campaign materials, maayos na itapon – DENR

    HINIKAYAT ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga kandidato ng  2022 national at local elections na linisin at itapon ng maayos ang kanilang campaign materials alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.     “Win […]

  • Bilang ng mga nakaranas nang pagkagutom sa bansa tumaas – SWS

    TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom.     Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na mayroong estimated na 3.1 milyong pamilyang Filipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom sa nagdaang tatlong buwan.     Isinagawa ang survey mula Abril 19-27 kung saan mas mataas ito noong Disyembre 2021 na mayroong 11.8 […]