Malakanyang, binalaan ang mga pasaway na pulis na ginagamit ang baril sa pagsalubong ng Bagong Taon
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Malakanyang at binalaan ang mga pasaway na pulis na itago na lamang ang kanilang baril at huwag tangkain na gamitin bilang pagpasalubong sa pagpasok ng Bagong Taon.
“Eh kung pinagbabawal po ang karamihan sa mga paputok eh bakit naman gagamitin ang baril. ang bala ng gobyerno po ay ara sa pagpapatupad lamang ng batas, hindi po yan para sa Bagong Taon at kapag kayo ay nagpaputok pataas.. bababa at bababa po ang bala nyan at kapag may tinamaan ay mayroon po kayong kriminal na pananagutan. So, itigil na ninyo po iyan. itago niyo na po ang baril,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Aniya, may iba pa naman aniyang pamamaraan para magdiwang ng Bagong Taon.
Magugunitang napagkasunduan kamakailan ng mga alkalde ng Metro Manila na i-regulate ang paggamit at pagbebenta ng fireworks sa pagsalubong sa 2021 dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Bukod sa paputok, pinaiiwas ng Department of Health ang publiko sa paggamit ng torotot o pito sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, madali kasing magkahawahan ng coronavirus disease kapag gumamit ng hinihipang paingay.
“Do not use noise makers that will transmit COVID-19 and diseases via saliva,” ani Cabotaje,.
“Kahit nag-iingay tayo, kailangan naka-mask, dapat naka-face shield parati at distancing,” dagdag niya.
Hinikayat naman ni Health Secretay Francisco Duque III ang publiko na maghanap ng mga alternatibo sa paputok at iba pang paingay.
Ilan sa mga maaaring alternatibo ang tambol, busina o pagpalakpak, ayon sa kalihim.
Nauna nang nagbabala ang mga eksperto na maaaring tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 kasunod ng holidays kung hindi susunod sa health protocols ang mga tao, tulad ng pagbabawal sa mass gathering at reunion.
Samantala, nanawagan din ang Bureau of Fire Protection sa publiko na maging maingat nitong holiday season.
Narito ang mga paalala ng bureau para sa ligtas na pagdiriwang:
Gumamit lang ng mga electric decorations na aprubado ng DTI at gamitin ito ng akma.
Patayin ang mga pailaw kapag matutulog na o aalis ng bahay.
Ilayo ang mga saksakan ng pailaw sa mga bata.
Huwag manigarilyo o maglagay ng ash tray, kandila malapit sa Christmas tree, kurtina at ibang dekorasyon na puwedeng pagmulan ng apoy.
Ilayo ang mga madaling masunog na bagay sa mga saksakan at pailaw.
Huwag mag-overload ng mga saksakan.
Huwag mag-imbak ng paputok nang matagal.
Huwag bigyan ng paputok ang mga bata.
Huwag magpaputok malapit sa bahay o matataong lugar.
Huwag sisindihang muli ang ano mang paputok na hindi sumabog. (Daris Jose)
-
Saso iwan ng 9 na palo
MALAMBOT ang umpisa ni Yuka Saso sa nasapol lang na one-over 73 upang mabaon ng siyam na palo laban sa nag-iisa sa tuktok na si Na-Ri Lee ng South Korea sa 53 rd Japan Women’s Open Golf Championships 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture nitong Huwebes. Naka-nines na 36-37 […]
-
Pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tutugis sa mga nagmamanipula sa presyo ng mga meat products
APRUBADO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng Economic Intelligence Task Force na tututok sa isyu ng labis na pagtaas ng presyo ng mga ibinebentang karne ng baboy sa mga pamilihan. Ito rin ang tutugis at mag-iimbestiga sa mga hinihinalang nagmamanipula sa suplay at presyo ng mga meat products sa bansa. […]
-
Ilang biktima ng BDO online hacking, nabawi na ang nawawala nilang pera
Umaalma ngayon ang grupo ng mga consumers sa pamamaraan na ginagawa ng BDO sa pag-reimburse nila sa pera ng kanilang mga depositors na biktima ng online fraud. Una rito, mayroon nang mga biktima ng online hacking ang nagtungo sa ilang branch ng naturang bangko at naibalik na ang kanilang pera. Pero […]